Janine super iwas pa rin sa isyu ng relasyon nila ni Paulo, pero humirit ng, ‘Alam n’yo na iyan, gets n’yo na ‘yan!’

Janine Gutierrez super iwas pa rin sa isyu ng relasyon nila ni Paulo Avelino: 'Alam n'yo na iyan, gets n'yo na ‘yan!'

Paulo Avelino at Janine Gutierrez

“READ between the lines” na lang ang madlang pipol sa mga naging pahayag ni Janine Gutierrez tungkol sa real score sa pagitan nila ng kanyang rumored boyfriend na si Paulo Avelino.

Hindi nakaligtas ang Kapamilya actress sa ilang tanong mula sa mga miyembro ng entertainment media nang makachika siya after ng presscon ng pinakabagong serye niya sa ABS-CBN, ang suspense-family drama na “Dirty Linen.”

Inamin naman ni Janine na isa si Paulo sa mga taong nagsisilbing inspirasyon sa kanyang buhay at showbiz career. Okay na okay naman daw ang estado ng kanilang espesyal na “pagkakaibigan.”

“Happy! Happy lang. I get to talk to him about work,and things like that,” ang all smile na chika ng dalaga.

Pero sa tanong nga kung ano na ba talaga ang status ng relationship nila ng aktor, natawa muna si Janine sabay sabing, “Alam niyo na iyan, gets niyo na ‘yan!”

Paano nga ba niya ilalarawan ngayon si Paulo, “Well, I guess if you ask his friends naman, like everybody will say the same things na he’s really a great guy.”

Samantala, nagsimula nang umere kahapon ang pinag-uusapang serye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment, ang “Dirty Linen” na second project ni Janine pagkatapos ng matagumpay niyang Kapamilya series na “Marry Me, Marry You” katambal si Paulo.

Super excited na raw si Janine na mapanood ng madlang pipol ang “Dirty Linen” kung saan kasama niya ang mga iniidolo niyang artista.

“Ang laki ng pasasalamat ko, dahil ramdam na ramdam ko ‘yung alaga ng Dreamscape and ABS-CBN. And I’m so grateful to the point na medyo surreal talaga siya for me.

“Kasi dati, pangarap lang ‘to na ganito katapang na kuwento with this kind of cast. Hindi mo akalain na makakabuo ng ganito. So, thank you talaga,” sey ng dalaga.

“Masaya! Sobrang saya ko. Like grabe naman kasi talaga ang cast ‘di ba? Hindi ko talaga mawari na mapapabilang eko sa ganito,” aniya pa.

Natupad din daw sa seryeng ito ang pangarap niyang makatambal noon pa na si Zanjoe Marrudo, “Magaling siya eh. And he can transform the role. So, I see how he changes based on the character. So, talagang siya talaga na bumuo ng character, ‘di ba?”

Janine sa panliligaw ni Paulo: Dapat siya ang tanungin n’yo, alangan namang ako pa ang sumagot, e ako yung girl

Paulo diretsahang tinanong si Janine: Type mo raw ba ako? Jojowain o totropahin?

Maxene Magalona game na game na nagpa-tarot card reading: It’s just a fun and cool way of asking signs from the Universe…

Read more...