Impersonator ni Toni Gonzaga ido-donate sa Golden Gays ang kinita sa online concert na ‘I Am Otin’

Impersonator ni Toni Gonzaga ido-donate sa Golden Gays ang kinita sa online concert na 'I Am Otin'

Toni Gonzaga at Otin Gonzaga-Soriano

IDO-DONATE ng impersonator ni Toni Gonzaga na si Otin Gonzaga-Soriano ang kinita ng kanyang free online concert na ginanap last January 20.

Titled “I Am Otin”, ito ang nakakalokang version ng tinaguriang Ultimate Multi-dogshow Superstar na si AC Soriano, ng naganap na 20th anniversary concert ni Toni sa Araneta Coliseum na “I Am Toni.”

In fairness, talagang nakipagsabayan sa pagpapasabog ng good vibes sa online world si Otin Gonzaga-Soriano, habang ginaganap naman sa Big Dome ang concert ng sisteraka ni Alex Gonzaga.

Kaya naman sandamakmak din ang nanood at tumutok sa kay Otin. At ang ending, kumita rin ang show dahil sa mga “gift” na ipinadala ng kanyang fans at followers.

Sa kasalukuyan, ang gift revenue sa online concert ni Otin ay umabot na sa humigit-kumulang US$207 dollars, o P11,305.

Base sa tweet ni Otin, hindi raw siya aware na may stickers pala sa TikTok Live. May value raw pala yun na pwede niyang gamitin.

Nag-trending din ito sa Twitter at humamig ng 25,000 viewers, with 5 million likes sa Tiktok Live. Nagsilbing special guests naman ni Otin sa kanyang online concert ang TikTok stars na sina Sassa Gurl, Jun Salarzon at Toniyuh.

Sabi ng internet sensation, ang lahat ng kikitain ng kanyang online show sa TikTok Live ay ido-donate niya sa Home for the Golden Gays at dodoblehin pa niya.

Ang Home for the Golden Gays, o The Golden Gays, ay isang non-profit organization na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga may-edad nang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Ang dating TV host at showbiz columnist na si Justo Justo ang founder ng Golden Gays at itinatag noong 1975.

Toni bibida sa international movie kasama si Dante Basco; buong pelikula isu-shoot sa US

Pokwang pinagtripan si Madam Inutz: Ito ang nagagawa ng lockdown!

Viy Cortez ido-donate ang 1 araw na kita sa mga biktima ni ‘Paeng’ mula sa mabebentang skincare at cosmetic products

Read more...