Professor pinatunayang swerte rin ang Friday the 13th, may kakaibang experience sa misteryosong ‘Ate Ghorl’

Professor pinatunayang swerte rin ang Friday the 13th, may kakaibang experience sa misteryosong 'Ate Ghorl'

Nico Niklaus at Julz Sebastian

PINATUNAYAN ng isang professor at CPA lawyer na hindi malas ang Friday the 13th matapos maka-experience ng kabutihan at nakaka-good vibes na pangyayari kasama ang kanyang kaibigan.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Nico Niklaus ang nangyari sa kanila ng kaibigang si Julz Sebastian nang magtungo sila sa LaCreperie sa Shangri-la Plaza Mall noong January 13.

Aniya, napagchikahan daw nila ang ilang plano nila ngayong 2023 na siyang naging daan para mas maging makabuluhan ang kinatatakutang Friday the 13th ng ilang Filipino.

“WANTED, THIS ATE GHORL!
(My Friday the 13th Experience)…Di ko akalaing mangyayari sa amin ito,” ang simulang pagbabahagi ni Nico.

Patuloy pa niya, “Niyaya ko ang friend kong si Julz Sebastian kumain sa LaCreperie sa Shangri-la Plaza Mall. Nagdidiscuss kami about Vision Board at iyung mga plans namin for 2023.

“Tanong niya, ‘Attorney, paano ba magmanifest ng mabilis? Papaano mo ba siya ginagawa? Bakit ang dali mong magawa at maattract at mamanifest?

‘Siyempre sinagot ko. Sa Bible kasi, sa Mark 11:24 ata iyun may nakalagay na if you ask in prayer, believe that YOU HAVE RECEIVED IT, and it will be yours.

“Sabi ko, ‘Julz, hindi sinabi na believe that you ‘will receive’ it . Ang sabi doon, believe that you ‘have received’ it. So kailangan believe as if nakuha mo na. That’s the key,” aniya pa.

Kasunod nito, napansin daw niya ang isang babae sa kabilang table na nag-iisa, “Ate ghorl sa other table was alone. Pangiti-ngiti siya sa amin. Alam ko pinakikinggan niya ang pinag-uusapan namin. At ang mga punch lines ko kay Julz.

“Tinawag ni Ate Ghorl iyung waitress and she (Ate Ghorl) rushed to the cashier. Akala ko she had an emergency.

“Kami naman ni Julz, ayun, kuwentuhan, maritesan, and tawanan until we finished eating,” dagdag pa niya.

At nang magbabayad na raw sila sa kanilang kinain, “I called the waitress for the bill. Kinabahan ako dahil sa laki ng bag ko hinanap ko pa yung wallet ko.

“Ilang beses na ako kumakain dito sa La Creperie, yes almost daily. So alam ko na every time I asked for the bill, they would always show the bill from an open receipt holder.

“This time the receipt holder was closed. When I opened it to put my credit card, I got this table napkin with the Mark 11:24 verse and this message: ‘Your presence blessed me today. Proverbs 11:25. I hope you pass on the kindness. God bless.’

“Sabi ko kay Julz, ‘Oy Julz oh, ang cute may message sila.’ I thought galing sa Assistant Manager.

“I asked the waitress where was my bill. She said it was already paid by Ate ghorl sa kabilang table. At sa kanya galing ang table napkin with the message.

“Julz and I were shookt. Speechless kami mga 5 minutes.

“Julz searched what Proverbs 11:25 was about. Here it is: ‘A generous person will prosper; whoever refreshes others will be refreshed.

“We looked for her around the mall to thank her but we didn’t see her anymore.

“Until now, I can’t believe there are still people like her. Salamat, Ate Ghorl, sana magkita tayo ulit.

“I kept the table napkin. It has a one-of-a-kind story. Iba talaga!” pagbabahagi pa ni Nico.

Viral na nga ngayon ang FB post ng professor at umani ng mga positive and inspiring messages mula sa mga netizens.

Erik Santos sa pagpanaw ng ina: Kapag mag-isa na lang ako, nagbe-breakdown ako, hindi ko kaya…

Rhian miss na miss na agad si Coney Reyes: Lalo na kapag pinagpe-pray niya kami

Angeli Khang: Dati puro pokpok roles ako, ngayon mayaman na as young wife of a rich politician!

Read more...