J-hope ng BTS may solo docu sa Pebrero, tungkol kaya saan?

J-hope ng BTS may solo docu sa Pebrero, tungkol kaya saan?

MAY bagong proyekto si J-hope, ang isa sa miyembro ng K-Pop supergroup na BTS.

Ito ang kanyang solo documentary special na may titulong “j-hope IN THE BOX.”

Inanunsyo ito mismo sa social media accounts ng BTS at base sa post ay nakatakda itong ipalabas sa February 17 sa Disney+ at Weverse.

Ayon sa ulat ng Korean media outlet na Soompi, ang documentary ng K-Pop star ay iikot sa kauna-unahan niyang solo album na inilabas noong Hulyo ng nakaraang taon.

Ipapalabas daw ang ilang eksena habang ginagawa ang nasabing album, pati na rin ang nangyaring “listening party” na dinaluhan ng ilang bigating music artista ng South Korea.

Bukod diyan ay ipapakita rin ang ilang behind-the-scenes sa naging performance ni J-hope sa “Lollapalooza,” ang isa sa pinakamalaking music event sa Amerika.

Matatandaang nagsimula ang career ng BTS noong 2013 at mula niyan ay unti-unti nilang narating ang matagumpay na karera pagdating sa music industry.

Dahil diyan ay itinuturing na silang bilang “biggest K-pop act in the world.”

noong Oktubre naman nang inanunsyo ng talent agency ng grupo na BigHit Music na papasok na sa mandatory military service ng South Korea ang lahat ng BTS members.

Nauna nang sumabak sa enlistment si Jin at pagkatapos niya ay isa-isa na ring papasok ang iba pang miyembro ng BTS.

Inaasahang muling magsasama ang grupo sa 2025 pagkatapos ng military service.

Related chika:

Fans ni BTS Jin pinagbawalan munang magpadala ng sulat, regalo

Read more...