Magaling na komedyana iwas muna sa lalaki, na-trauma sa mga kaibigang problemado sa mga dyowa | Bandera

Magaling na komedyana iwas muna sa lalaki, na-trauma sa mga kaibigang problemado sa mga dyowa

Reggee Bonoan |January 22,2023
facebook
share this

Magaling na komedyana iwas muna sa lalaki, na-trauma sa mga kaibigang problemado sa mga dyowa

Reggee Bonoan - January 22, 2023 - 10:19 AM

Magaling na komedyana iwas muna sa lalaki, na-trauma sa mga kaibigang problemado sa mga dyowa

Guess, guess who?! Mahulaan n’yo kaya kung sinetch itetch?

SOBRANG tuwa ng isang kilalang komedyana dahil sa wakas ay maipapalabas na ang pelikulang isa siya sa bida makalipas ang tatlong taong pakatengga.

Nang i-shoot ang pelikula ay wala pang COVID-19 pandemic at nakatakda sanang ipalabas noong 2020 sa isang film festival ng bansa pero dahil sa pandemya ay naapektuhan nga ang buong entertainment industry.

Kahit gustuhing ipalabas ng producer ang pelikulang kasama ang komedyana ay hindi rin puwede dahil sarado ang mga sinehan.  Hindi rin nito ibinenta sa online platform dahil naniniwalang mas bagay itong mapanood sa cinema.

To cut the story short ay mapapanood na ang pelikula sa mga sinehan kaya galak na galak sa tuwa ang komedyana dahil sabi niya ay malaki ang exposure niya rito kumpara sa mga pelikulang nagawa na niya na mabibilang sa daliri kung ilang beses siya lumabas.

Anyway, single ang komedyana ngayon dahil katwiran niya mas gusto niyang magtrabaho muna kaysa pumag-ibig dahil base sa nakikita niyang nararanasan ngayon ng mga kaibigan niyang taga-showbiz din na namumroblema sa kani-kanilang mga dyowa ay parang natu-trauma siya.

Ang pag-iipon ang goal niya ngayong 2023 dahil sobrang traumatic sa kanya ang nangyari noong lockdown na halos masaid siya.

Sana kumita ang pelikulang matagal nang inasam na maipalabas ng komedyana para naman may kasunod siyang proyekto dahil pangako ng producer na kapag kumita ito ay bibigyan na siya ng bida role.

Kilalang aktor tinanggihang makasama sa pelikula ang magaling na komedyana

Rufa Mae iyak nang iyak: Hirap na hirap ako nu’ng una, parang end of the world na…

Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O’Brian: Basta OK na OK na ako, bye!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending