Baron bawal nang maghubad at makipag-love scene sa pelikula; tumutulong sa mga kabataan na nalulong din sa bisyo
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Baron Geisler at Jamie Evangelista
HANGGA’T maaari ay ayaw nang gumawa ni Baron Geisler ng mga pelikulang kailangan niyang maghubad, makipag-love scene at may matinding violence.
Bukod kasi sa mas type niya ngayon ang bumida sa mga family drama at mga pelikulang may matututunang values at mai-inspire ang mga manonood, kailangan niya ring magpaka-wholesome kahit paano dahil isa na rin siyang brand ambassador ngayon.
Kamakailan lamang ay ipinakilala na si Baron bilang celebrity endorser ng Lemonyo, isang brand ng lemon drink, na mula sa kumpanyang pag-aari ni Pastor Roland Garcia Jr..
Kuwento ni Baron, isa raw sa mga nakasaad sa kontratang pinirmahan niya ay hindi muna siya maaaring gumawa ng sexy scenes sa kanyang mga susunod na projects.
“Nasa kontrata po na bawal na ako maghubad so I will honor my contract. But I have a movie with Cristine Reyes. I might be shooting in February, and then, ang direktor po namin si Marla Ancheta of Doll House.
“Kaming dalawa po ni Miss Cristine ang lead, may love scene… hindi po ito for Vivamax, for Viva Prime (bagong streaming app ng Viva Entertainment) po ito. So, may love scene pero medyo may pagka-wholesome pa rin and walang skin exposure,” paglilinaw ng aktor.
Matatandaang pumayag si Baron na mag-frontal nudity sa Vivamax Original movie na “Lampas Langit” na ipinalabas noong August, 2022.
Sa presscon din ni Baron para sa Lemonyo last January 18 ay diretsahan din siyang natanong kung umiinom pa siya ng alak at paano niya nilalaban ang tukso ngayong nagpapa-rehab uli siya.
“Ako kasi nababaliw ako kapag umiinom ng alak so let’s stay away from that.
“Basta ang sa akin lang, be responsible about your drinking and be a kind person. That’s what I’m striving for on a daily basis — to be kinder, to be more understanding, to be faithful, to be generous, to be smarter than what I was yesterday.
“Medyo matagal-tagal na hindi tumitikim ng alak but our goal now here is not kailanman tumikim ng alak.
“Kasi if you just based it on what I am doing right now, it’s much better na you guys could see naman the changes. And also I do believe na-CI (character investigation) muna ako ng mga bossing natin bago ako kinuha (bilang brand ambassador),” paliwanag ng aktor.
In fairness naman kay Baron, fresh at ang ganda ng aura niya ngayon dahil bukod sa pumayat siya at nagmukha rin siyang bagets.
“It’s because of my mind. My mind is away from all the negativity. And even kapag may pumasok na problems or pagsubok sa buhay, if we have a big God, malalagpasan po natin lahat,” reaksyon ng napakagaling na aktor.
Samantala, todo naman ang pasasalamat ni Baron kay Pastor Roland Garcia Jr. ang CEO ng Lemonyo, dahil sa “biggest endorsement” na ipinagkatiwala sa kanya.
Kuwento nga ng aktor, unang pagkikita pa lang daw nila nito ay “ipinag-pray over” agad siya, “I’m very grateful because this brand, I could relate to it because we all know my past was filled with change L to a D (Lemonyo to Demonyo).
“Huwag po nating husgahan and I’m grateful na it’s never too late. This is my first biggest break pagdating sa endorsement.
“This is a milestone in my career. This is a very serious commitment because I’m bringing a brand wherein we’re giving a hope to many people.
“I was ecstatic that I was given this big responsibility kasi I have a soccer team in Cebu, Team Junquera, nahusgahan din kasi these are five barangays which is known to be a place of prostitution, it is a drug-infested homes.
“And now, we have close to hundred kids that we are helping out para mawala po yung vices nila.
“Sabi ko, this is in line with what Lemonyo is doing. Sa extra money na nakukuha nila kapag may nangangailangan, namimigay po sila ng bigas.
“As I said, I’m helping kids, ang youngest five, six… hanggang 17, 18. So if you see my Instagram, makikita niyo na I really make it a point to get to know the kids,” pahayag pa ni Baron Geisler.