AMINADO ang singer na si Kris Lawrence na naapektuhan ang kanyang mental health matapos depensahan si Alex Gonzaga sa kinaharap nitong kontrobersiya.
Marami kasi sa madlang pipol ang tila naimbyerna sa kanyang tila pakikisawsaw sa isyu at tunog privileged ang kanyang naging pananaw patungkol sa ginawa ni Alex sa waiter.
Sa panayam nga ni Kris sa isang entertainment site ay inamin niyang nakadagdag sa nararamdaman niyang kalungkutan ang panggagatong ng mga taong kakilala niya sa media kaya mas marami ang nang-bash sa kanya sa social media.
Aniya, “People who I thought were friends from the media are actually feeding off of it. It’s hard kasi I know myself and I never intended harm on anyone, and why are people deciding on what my character is?”
Umabot pa nga raw sa point na nagdududa na siya at tinatanong ang sarili at mga nakamit niya sa buhay.
“It makes me question myself and my achievements in my life. I can see why a weak-minded person would be depressed or commit suicide after bashing,” lahad pa ni Kris.
Hindi naman daw niya naisip ang mga ganitong bagay ngunit dapat raw malaman ng tao na “serious thing” ang bashing at bullying.
Sey ni Kris, “I never thought of it naman, but I think people should know that bashing and bullying is a serious thing and people can easily do it in a flash without thinking. People have different perspectives. The intention is the important thing.”
Naranasan rin daw niyang makatanggap ng masasakit na salita mula sa mga netizens na never pa niyang narinig sa tanang buhay niya.
“I’ve learned that bashers will just bash, and you can’t please everyone. It just sucks that these people are trying to dictate my character,” sabi ni Kris.
Dagdag pa niya, “They say they want an apology from me but I didn’t even do anything, di naman ako ang nagpahid ng cake — and my intention was to diffuse the bashing.
Umaasa nga si Kris na buksan ng mga netizens ang kanilang puso at isip upang makita nila ang intensyon at hindi ang konteksto ng kanyang ginawa.
“No one is perfect. It feels like lahat nang ginawa mong maganda sa buhay, lahat ng tao na pinasaya mo, nabura dahil na-misinterpret at na-misunderstand ka ng mga tao,” hirit pa niya.
Matatandaang isa si Kris sa mga nagtanggol kay Alex matapos itong punahin ng madlang pipol sa ginawa niyang pagpahid ng cake sa mukha ng waiter.
Para raw kasi sa kanya, “normal thing” lang naman na gawin ito lalo na sa mga birthday at wala namang masama sa ginawa ni Alex.
Related Chika:
Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’
Kris Lawrence ipinagtanggol ang ‘pambabastos’ ni Alex sa waiter: I thought it was a normal thing?
Kris Lawrence responsableng tatay; naghahanap na ng kapalit ni Katrina