NANANAWAGAN ang support group na “Kapatid” sa gobyerno na palayain na ang pinakamatandang bilanggong-pulitikal.
Sinulatan na ng nasabing support group ang Bureau of Corrections, Department of Justice, Supreme Court at Commission on Human Rights.
At ang kahilingan nila ay mapabilis ang pagpapalaya sa 83-year-old na si Gerardo Valencia Dela Peña na nakakulong ngayon sa Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Nabanggit nila sa liham na dahil na rin sa katandaan at humihinang kalusugan kaya mas mabuting mapalaya na si Dela Peña.
“humanitarian considerations of advanced age and deteriorating health,” ika nga sa sulat ng grupo.
Ayon sa tagapagsalita ng Kapatid na si Fides Lim, sampung taon nang nasa bilangguan si Dela Peña at lumalala na raw ang sakit niya.
Mayroon siyang high blood pressure at lagpas na sa nakatakdang operasyon para sa cataract.
“Time is of the essence as he grows weaker by the day. Let’s bring him home, alive,” sey ni Lim.
Kwento pa ni Lim, noong March 21, 2013 nang inaresto sa Camarines Norte si Dela Peña matapos pagbintangan sa pagpatay.
Si Dela Peña ay ang pinakamatanda sa 824 na bilanggong-pulitikal sa bansa, ayon sa grupo.
Read more:
Apo Whang-od kering-keri pa ring mag-tattoo at magsayaw sa edad na 105