Dani Barretto hindi pala invited sa party ni Alex Gonzaga, may samaan kaya ng loob?

Dani Barretto hindi pala invited sa party ni Alex Gonzaga, may samaan kaya ng loob?

KUMUSTA na kaya ang relasyon ngayon nina Dani Barretto at Alex Gonzaga?

Kaya namin ito natanong ay dahil base sa kuwento ni Ogie Diaz sa “Showbiz Now Na” vlog nila ni Mama Loi kasama sina Tita Jegs at Dyosa Pockoh na in-upload ngayong hapon sa YouTube channel na si Dani pala ang kumuha ng video at saka in-upload.

Ang masama ay hindi pala imbitado si Dani, “hindi siya imbitado!” sambit ni Ogie.

Nagulat sina mama Loi, Jegs at Dyosa, “paano niya nakunan?”

“Yun nga ang sabi sa akin ng aking source, ang invited talaga doon ay ‘yung asawa ni Dani Barretto (Xavi Panlilio) na nagdi-DJ doon (pinakita ang larawan habang nasa DJ booth).

“So, sinamahan niya (Dani) ‘yung asawa niya ro’n. at siyempre sa katuwaan ni Dani Barretto di ba (nagbi-video), nahuli niya na ginanu’n ‘yung cake! At siyempre in-IG stories na at dinelete rin ni Dani Barretto.

“Kaya si Dani Barretto, nag-iiyak dahil ito nga binomba ng binomba si Alex sa social media. Inokray ng inokray dahil nga doon na napaka-sagrado pala ng birthday na walang nagko-cover dahil nagwawala nga ‘yung ibang mga bisita dahil doon nga lang sila nakakakilos na alam mong walang kamera na lahat magkaka-close, di ba?

“Meron pang time nga na si Alex ay umakyat pa ng mesa, naga-ano (sumasayaw) sobrang happy that night si Alex kaya nga nu’ng hihipan na niya ‘yung cake kung mapapansin mo, tipsing-tipsy si Alex,”kuwento ni Ogie base rin sa mga video na ipinakita.

“Tipsy, ibig sabihin lasing talaga siya

“Yun ang sabi. Kahit nga si DJ MO Twister di ba (ipinakita ang Tweet) feeling niya drunk si Alex. Drunk, stupid narcissist,”sagot ni Ogie.

Mga pamilya nina Alex at Mikee ang pangunahing bisita at ilang kaanak at malalapit na kaibigan tulad nina Gerald Anderson, Julia Barretto, Bayani Agbayani, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome, at vloggers, base pa sa kuwento ni Ogie.

Napag-usapan din nina mama Loi at Ogie na ipinagtanggol ng mang-aawit na si Kris Lawrence si Alex na normal lang para sa kanya ang pamamahid ng cake.

“Opinyon mo ‘yan Kris Lawrence kapag malalim ang pagkakaibigan n’yo maiintindihan. Ito kasi sa waiter o sa server na ginanu’n (pinahiran ng cake sa noo) parang na-awkward talaga ‘yung mukha nu’ng waiter para siyang napahiya! Sana maintindihan mo ‘yun,” sagot ni Ogie sa singer na nagtanggol kay Alex.

Sabi pa, “gusto kong intindihin si Alex kasi minsan lang uminom lalo’t birthday niya. Umiyak din sa ilang friends itong si Alex Gonzaga dahil hindi naman daw niya intensyon na saktan ‘yung damdamin ng waiter. Talagang happy lang siya that night.

“Kaya lang ang dami-dami na, sunud-sunod na ‘yung pambabash kay Alex tapos nadamay pa sina Mommy Pinty (Gonzaga) at saka si Daddy Bonoy (Gonzaga) na ano raw klaseng pagpapalaki ang ginawa nina mommy at ni daddy doon sa kanyang mga anak lalo na raw kay Alex. Imaginin mo ‘yan?

“Ang nakakaloka, hinusgahan si Alex doon sa video na napanood lang nila pero sa mga kaibigang naroroon para sa kanila, happy lang si Alex, eh.

“Ito ang nakakaloka Loi ‘yung mga tao nagtataka, Sunday pa raw ‘yun nangyari (party) tapos saka lang napagtanto ni Alex na mag-apologize ng Tuesday (pinakita ang larawang magka-usap sila ni Ginoong Allan) at personal siyang pumunta kay Kuya Allan para mag sorry.”

Nasabi ni Ogie sa simula ng vlog nila ,“Imbes na batiin siya ng Happy Birthday, ay binash siya ng husto. Hindi makakalimutan ni Alex Gonzaga ang ika-35th birthday niya.”

 

Related Chika:
Dina Bonnevie dinipensahan ng netizens laban kay Alex Gonzaga: ‘Own up to your mistake’

Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Alex Gonzaga masama raw ang ugali sabi ng mga nakatrabaho sa likod ng kamera

padilla-kay-dani-barretto-you-are-a-very-good-mother-and-wife”>Dennis Padilla kay Dani Barretto: You are a very good mother and wife!

Read more...