James Arthur, Alok naglabas ng collab song, magpapaindak sa dance single na ‘Work With My Love’

James Arthur, Alok naglabas ng collab song, magpapaindak sa dance single na ‘Work with my Love’

PHOTO: Courtesy Sony Music

MAY bagong collaboration song ang English singer na si James Arthur kasama ang Brazilian superstar na si Alok.

Ito ang may titulong “Work With My love,” isang disco-inspired dance single.

Inamin ni Alok na isa siyang big fan ni James.

Sey ni Alok sa inilabas na pahayag ng Sony Music, “I’m a big fan of James’ style and had a great time making this track with him. Hope everyone enjoys it.”

Kwento naman ni James na nagustuhan niya kaagad ang ginawang musika ni Alok nang una niya itong napakinggan.

Ibinunyag pa niya na sinubukan na nilang magkaroon ng collab dati pa. 

Chika ni James, “As soon as I heard the iconic sample…I was in and keen to be involved in the track.”

“Alok and I have attempted to work together previously so I’m super happy we’ve managed to create this massive tune,” aniya.

Para sa kaalaman ng marami, si Alok ang tinaguriang #4 DJ in the world.

Nagkaroon na siya ng collaboration sa ilang sikat na singer gaya nina John Legend, Jason Derulo, Tove Lo, at Ellie Goulding.

Si James naman ay unang sumikat matapos manalo sa ninth series ng “The X Factor.”

Ilan sa mga chart-topping tracks ng English singer-songwriter ay ang “Say You Won’t Let Go,” “Naked,” at “Rewrite The Stars.”

Related chika:

First impression ni Rochelle kay Arthur: Babaero at gimikero, pero…

Read more...