Gitarista ng ‘Parokya ni Edgar’ nasa ICU, sey ni Chito: Matinding laban ‘to para sa kanya…at reresbakan natin siya

Gitarista ng ‘Parokya ni Edgar’ nasa ICU, sey ni Chito: Matinding laban 'to para sa kanya...at reresbakan natin siya

PHOTO: Facebook/Chito Miranda

MAY update ang frontman ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda tungkol sa kalagayan ng gitarista nila na si Gab Chee Kee.

Ibinunyag ni Chito na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) si Gab dahil sa komplikasyon ng kanyang sakit na “lymphoma,” isang kanser ng lymphatic system.

Sa social media ay ibinandera ni Chito ang full update ng kanyang kabanda at nanawagan na rin ng tulong.

Sey ng frontman sa isang Facebook post, “Nag-decide kami na i-update na kayo regarding Gab’s situation.

“Gab needs to undergo treatment, and won’t be able to play until he makes a full recovery.”

“Gab is the heart of the band, and it doesn’t feel like Parokya kung wala siya,” aniya.

Naikwento pa ni Chito ang mahalagang role ni Gab hindi lang sa kanilang banda, kundi pati na rin sa kanyang buhay.

“Bestfriend ko si Gab mula 1st year high school, and siya lang ‘yung palagi kong ka-jamming bago pa naming ma-isipan mag-buo ng banda…at kahit nung naging Parokya na kami, si Gab pa rin yung sinusundan ko whenever we perform live,” Chika niya.

Dagdag pa niya, “Gitara yung sinasabayan ko tuwing gig, sa kanya ko kinukuha ‘yung tono, at sa kanya ko din tinatanong kung nasa tono ba ako o wala (peace sign emoji).

“‘Yun ‘yung reason kung bakit ayoko tumugtog with Parokya kung wala sya,”

Pagbubunyag pa ni Chito, “Gabriel was diagnosed with lymphoma late last year, and has been undergoing chemotherapy for the past few months.”

Sinabi din niya sa kanyang post na kahit may nararamdaman na si Gab ay patuloy pa rin daw itong tumutugtog kasama nila.

“Despite his situation, he was relatively doing ok, and thought it would be best not to let everyone know what he was going through, because he didn’t want anyone worrying about him. So he continued playing with Parokya,” Ani Chito.

Pero dumating ‘yung time na pinagbawalan na siya ng kanyang doktor dahil mas kailangan pa raw nitong magpahinga at magpagaling.

“But soon after, he was advised by his doctor not to play gigs muna para makapag-pahinga. I asked my bandmates na kung pwede, wag nalang din muna kami tumugtog habang wala si Gab,” saad sa FB post.

Patuloy ng frontman, “Pero kina-usap kami ni Gab and asked us to continue playing, because he doesn’t want us to stop playing just because we’re waiting for him to get better. So we did.”

Sa bandang huli ng post ay nakiusap na nga si Chito na nangangailangan ng tulong ang pamilya ni Gab.

“Unfortunately, due to complications brought about by his condition, he is now battling pneumonia and was recently transferred sa ICU and has been intubated for more than a week already,” pagbabahagi ni Chito.

Aniya, “He was financially prepared naman for the chemotherapy…but now, his family needs help with the overwhelming hospital bills.

“Initially, ayaw pa rin sana ni Gab ipaalam sa lahat kasi ayaw nya talaga makaabala sa iba…but because of the situation, his partner, Kha, and his brother, Raoul, convinced Gab to allow us to inform everyone, because it would be easier for everyone to ask for assistance if the people who loved him knew what was really going on.”

Ibinalita pa niya na magkakaroon ng ilang fundraising events ang kanilang banda, pati na rin ang ilan nilang mga kaibigan sa music industry upang matulungan si Gab.

“Parokya and our friends from the music scene will be doing a series of fundraising gigs to help Gab out…most of which won’t even be announced as fundraisers. Tahimik lang sila na tutulong,” pagbubunyag ni Chito.

“Matinding laban to for Gab…at reresbakan natin siya,” aniya.

Related chika:

Anak ni Andrew Schimmer humingi ng tulong para sa inang nasa ICU

Read more...