PABIRONG pinagalitan ng vlogger at komedyanteng si Dyosa Pockoh si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi matapos itong mabigong makapasok sa Top 16.
Ginaya pa nga niya ang pag-awra ng dalaga sa kanyang swimsuit competition bilang pagsuporta sa paglaban nito sa nagdaang 71st Miss Universe na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA.
Ngunit nang hindi palarin si Celeste na makapasok sa semi-finals ay nag-post si Dyosa na tila ginagaya naman ang viral post ni Donnalyn Bartolome.
“Bakit may sad dahil hindi nakapasok ang Philippines? Di ba dapat masaya kasi may chance na bumawi next year? Dapat grateful kasi may next time pa.
“If Philippines not making it to TOP16 makes you unhappy, I hope you find a different pageant show that will. Yung pakikiligin ka and sheet. Anyway, this is a reminder that PHILIPPINES not making it to TOP16 is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!” sey ni Dyosa Pockoh.
Dito na nga pumasok ang pabirong pagsita niya kay Celeste at sinabing dapat raw kasi ay may pagkukusa ito kahit hindi tawagin.
“Ang problema kay Celeste walang pagkukusa, gusto pa tawagin bago pumunta sa unahan. Next time kahit di tawagin sa Top 16, pumunta pa rin sa harap. Magkusa na lang hindi yung inuutusan pa,” pabirong chika ni Dyosa.
Sa kabila ng pabiro niyang pahayag sa dalaga ay binati naman niya ito sa kanyang naging laban sa prestigious international pageant.
“Thank you so much, Celeste Cortesi for representing our beloved country, the Philippines!” sey pa Dyosa.
Marami naman ang natawa sa naging post ng komedyante.
“Dapat ginaya niya ang idol ko kahit hindi pinapupunta sa mga handaan ay kusang pumupunta,” saad ng isang netizen.
Chika pa ng isa, “ung pante mu DYOSA POCKOH ang dahilan bakit ikaw natalo nalimutan ata tahiin ng inay…”
Related Chika:
Celeste Cortesi bigong makapasok sa Top 16 ng Miss Universe 2022
Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…