Vhong Navarro pinaiyak ang madlang pipol sa pagbabalik-‘Showtime’: ‘God is always good!’

Vhong Navarro pinaiyak ang madlang pipol sa pagbabalik sa 'Showtime': 'God is always good!'

Vhong Navarro

MARAMI ang napaiyak sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa “It’s Showtime.”

Sa kanyang official Facebook account, ipinost ni Ogie Alcasid ang isang photo kasama si Vhong at Ryan Bang. Magkakasama pala silang tatlo sa dressing room.

“Our room mate is back.” That was Ogie’s caption sa kanyang photo sa Facebook.

Ang daming nag-react, lahat sila ay happy sa pagbabalik ni Vhong sa “Showtime.” Meron pa ngang naiyak na mga fans at followers ni Vhong.

“Welcome to your It’s Showtime. God is so Good.”

“Welcome back Vhong, nice to see again in showtime.”

“Welcome back Vhong. We’re happy to see you again in It’s showtime.”

“Welcome back Vhong to your SHOWTIME Noon show and family. We all missed, peks man! tumulo luha q while watching the whole segment. I Love you guys! God is always good, and hears all our prayers. Remain in Faith.”


“Today, inaabangan ko talaga Ang Araw na eto, Happy to see u Bong.  Praise God. He hears our prayers.”

“Wow!..nice to be back again Vhong in Showtime family!”

“So happy for you vhong pero halata parin Ang lungkot sa iyong mga mata, naway malagpasan mo na lahat Ng pinagdadaanan mo.”

“Umiiyak ako habang pinapanood ko ung its showtime monday  soo happy for you vhong na nkabalik kna…God is really good.”

“Looking good and happier to be with your friends inshowtime.”

“Welcome back vhong pinaiyak mo kmi sobrang saya thank you Lord.”

Matatandaang nawala si Vhong sa “Showtime” noong September matapos mag-issue ng warrant of arrest ang Taguig City Court para sa acts of lasciviousness case filed by model Deniece Cornejo noong 2014.

Na-grant ang motion to bail ni Vhong last month kaya naman nakapiling niya ang kanyang pamilya noong Pasko at New Year.

Naunang na-report na sa February pa ang pagbabalik ni Vhong sa “It’s Showtime” pero hindi ito totoo dahil nakabalik na nga siya ngayong buwan sa noontime show ng ABS-CBN.

Oyo gusto nang magpa-sperm count noon; Kristine game pa ring magbuntis kahit 5 na ang anak

Vice Ganda nabanggit si Juliana Parizcova sa pagbabalik ng ‘Miss Q&A’ sa ‘Showtime’

Boobay napaiyak nang makita ang litrato ng ex-dyowa sa Bora: Ang sakit pala kapag sinasabing ‘past na ito’

Read more...