Vhong naiyak sa pagbabalik-Showtime: ‘Ang sarap ng pagtanggap n’yo sa akin, hindi ko alam kung paano kayo pasasalamatan

Vhong naiyak sa pagbabalik-Showtime: 'Ang sarap ng pagtanggap n'yo sa akin, hindi ko alam kung paano kayo pasasalamatan

Vhong Navarro

HINDI napigilan ni Vhong Navarro ang mapaluha sa pagbabalik niya ngayong araw, January 16, bilang isa sa mga host ng “It’s Showtime”.

Pangako raw ng TV host at comedian sa kanyang sarili ay hindi siya iiyak sa muling pagtungtong sa stage ng Kapamilya noontime show pero hindi niya ito natupad dahil hindi nga niya napigilan ang maiyak habang bumabati sa madlang pipol.

Mahigit apat na buwan ding hindi napanood si Vhong sa “It’s Showtime” matapod makulong sa NBI detention center noong September 19, 2022 at sa Taguig City Jail dahil sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo.

“Share ko lang din konti. Pagpasok ko dito sa ABS, sabi ko ayokong umiyak, ayokong umiyak. Kasi ito ‘yung pangalawang bahay ko, e.

“Dito, kung anuman ang pinagdaraanan mo sa buhay, tanggap ka rito. Dahil ito ‘yung mga kapatid ko e, ito ‘yung pamilya ko. At kasama roon ang madlang pipol, extension kayo ng pamilya namin.

“Kaya lang, pagdating ko dito sa backstage, wala e, talagang bumabagsak talaga siya, e,” simulang pahayag ni Vhong.

“Ang sarap ng pagtanggap niyo sa akin. Hindi ko alam kung paano kayo pasasalamatan. Sa mga taong nagdasal, naniwala at hindi ako iniwan,” dugtong pa niyang sabi.


Pagpapatuloy pa ng komedyante, “Hindi kasi ako nanood ng Showtime mula noong nasa loob ako kasi ayokong makadagdag na… nami-miss ko kasi kayo. Ayoko… nalulungkot ako lalo kaya iniiwasan ko na manood.

“Sabi ko, manonood na lang ako kapag nakalabas ako. Kaya lang, paglabas ko, hindi ko pa makakaya pala na bumalik agad kasi may mga proseso na kailangan.

“Pero mabait ang Panginoon. Talagang hindi Niya ako pinabayaan kaya nandito ako uli.

“Maraming salamat sa ABS-CBN dahil meron pa rin akong trabaho at nandito pa rin yung pamilya ko,” pagbabahagi pa ni Vhong Navarro.

Samantala, nagkuwento rin ang Kapamilya TV host tungkol sa mga naging karanasan niya habang nasa loob ng NBI detention center at sa Taguig City Jail.

“Kapag nandoon ka pala sa loob, ang hirap kasi nakita ko ang mga kasama ko roon, yung inmates ko sa NBI at sa Taguig, naawa ako du’n sa mga walang dumadalaw sa kanila.

“Yung iba, iniwan na ng pamilya at yung iba, parang katulad ko na wala naman ginawa pero nandoon.

“Ite-test ka talaga ni God kung ano yung faith mo sa kanya. Kaya sabi ko kay Kuya Ogie (Alcasid), yung hope at faith, dapat magkasama yan.

“Hindi puwedeng isa lang diyan, mas mataas. Dapat parehas at pantay. So, kumapit ako sa Panginoon.

“Kumapit ako sa asawa ko, sa mga anak ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, at sa mga taong nagdarasal at naniniwala sa akin kaya patuloy akong lumaban na malagpasan yung mga problemang pinagdaraanan ko,” sabi pa ni Vhong.

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Vhong excited na sa pagbabalik ng madlang pipol sa studio ng ‘Showtime’: Soon mangyayari na yan!

Hiling ng kampo ni Vhong Navarro: ‘Sana makalaya na siya sa Pasko at makasama ang pamilya’

Read more...