HABANG nagdiriwang ang buong universe sa pagkapanalo ng Filipino-American beauty queen na si R’Bonney Gabriel sa 71st Miss Universe, tila may proud moment din si Binibining Pilipinas 1st Runner-up Herlene Budol.
Ayon kasi kay Budol Queen, pareho sila ng designer ni Miss Universe 2022 na gumawa ng kanilang national costume at evening gown.
Ibinandera pa mismo ni Herlene sa kanyang social media accounts ang collage photos na ipinapakita ang disenyo ng kanilang isinuot.
Proud na binanggit ni Herlene na ang Fashion Designer na si Patrick Isorena ang gumawa ng kanilang national costume, habang ang kanilang evening long gown ay mula sa Fashion Designer na si Rian Fernandez.
Caption sa isang IG post, “Ang galing ni Lord. Imagine mo ‘yung nanalo ng @missuniverse 2023 @rbonneynola at ‘nung nanalo ako ng @bbpilipinasofficial 1st runner up ay iisa lang ang National Costume Designer namin ay si @patrick_isorena at parehas din kami sa Long Gown Designer @rianfernandez888!”
Pinasalamatan pa niya ang kanyang Talent Manager na si Wilbert Tolentino at ang handler na si Rodin Flores.
“Kaya thankful ako dahil nasa tamang Manager at handler napuntahan ko @sirwil75 & @rodinb.flores (folding hands emoji),” ani Herlene.
Iba’t-ibang klaseng reaction naman ang nabasa namin mula sa netizens at narito ang ilan sa mga naging komento nila sa post ng beauty queen-host.
“You should join miss universe you have a great story to tell , you have a good pasarela too ang lakas ng dating , just polish your communication skills.”
“Akalain mo yun, iko-congratulate mo lang si Miss USA, nakahanap ka pa ng ways para iconnect sa sarili mo..oks lang atleast nagpasalamat ka rin sa designer at handle mo..goods yan lods”
“Bakit puro bad comments nakikita ko. Wala namang masama sa post ni Herlene. She is just thankful sa manager niya ngayon, we don’t know the whole story of her past, we have no right to judge anyone. In everything we have, small man or big, be thankful to God (red heart emoji).”
“Maki simpatiya ka po, hindi yung nagba brag ka pa at nagyayabang ka. Pana panahon lang yan, you win some you lose some.”
Matatandaang noong Nobyembre ay inanunsyo ni Wilbert na umatras na sa laban si Herlene bilang pambato natin sa Miss Planet International 2022.
Ayon kay Wilbert, napagdesisyunan niyang alisin sa kompetisyon si Herlene dahil sa mga naging problema sa pageant organization.
Kung maaalala, naging usap-usapan sa social media na nakansela na ang sinalihang international pageant ni Herlene sa Uganda matapos maglabas ng pahayag ang dalawang kandidata na sina Miss Czech Republic at Miss Jamaica.
Sa Instagram stories ni Miss Czech Republic, mababasa sa mahabang mensahe ang “we’re stuck in Uganda” at “35 contestants (who hasn’t left yet) were scammed.”
Nilipat umano ang mga kandidata sa Zara Gardens noong November 10, ngunit kinailangang nilang muling umalis dahil hindi pa nababayaran ang hotel.
Related chika: