Celeste Cortesi humakot ng suporta mula sa mga Pinay beauty queen: ‘We are very proud of you!’

Celeste Cortesi humakot ng suporta mula sa mga Pinay beauty queen: ‘We are very proud of you!’

PHOTO: Instagram/@themissuniverseph

PATULOY pa ring bumubuhos ang suporta at pagmamahal ng maraming Pilipino para sa ating pambato na si Celeste Cortesi kahit hindi niya naiuwi ang korona ng Miss Universe.

Kagaya ng ilang celebrities at Pinay beauty queens na ibinandera pa sa social media ang kanilang pagmamalaki sa ibinigay na magandang laban ni Celeste.

Isa na riyan si Miss Universe 2018 Catriona Gray na ibinahagi sa kanyang Instagram Story ang kanyang pasasalamat kay Miss Universe Philippines 2022.

Sey ni Catriona, “@celeste_cortesithank you for doing your best for the Philippines. You handled the pressure of carrying our flag so well! We’re so proud, mabuhay ka (blue heart emoji).”

May mensahe rin si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at sinabing proud na proud siya kay Celeste.

Tweet ni Pia, “We know you gave it your all, Celeste. We are very proud of you (blue heart emoji) (Philippine flag emoji)”

Pinuri naman ni Miss Universe Philippines Charity 2022 Pauline Amelinckx si Celeste sa ibinigay na dedikasyon para sa kompetisyon.

“We have seen you work, hustle, fight and GROW as you prepared to raise our flag. As I’ve told you before, you have my admiration for all your dedication in always becoming better. Always proud of you,” sey ni Pauline sa Instagram.

Nagpaabot din ng suporta para kay Celeste si Miss World Philippines 2019 Michelle Dee at sinabi sa Instagram, “You gave it your all and that’s all that matters. We’re so proud of you @celeste_cortesi!  Thank you for raising our flag. Qué será será!”

Matatandaang parehong nag-compete sina Michelle at Celeste para sa Miss Universe Philippines 2022.

Hindi rin nagpahuli si Miss Universe Philippines 2021 Bea Gomez na pasalamatan si Celeste.

Post niya sa IG, “The Force for Good is yours (blue butterfly emoji)”

“We are proud of you @celeste_cortesi. Thank you for raising our flag! (Philippine flag emoji),” aniya.

Ayon naman sa Miss Universe Philippines Organization, naging inspirasyon para sa marami si Celeste.

“You inspired us with your beauty, grace, and perseverance. Thank you for giving an amazing performance for the country, @celeste_cortesi!,” sey sa isang social media post.

Pati ang Miss Universe Bahrain Organization ay may mensahe rin para kay Celeste.

Sey sa IG post, “A remarkable edition with remarkable queens! Congratulations Miss Universe Bahrain @evlin_khalifa and Miss Universe Philippines @celeste_cortesi for representing your very countries with purpose and heart.”

Isang mahabang mensahe naman ang ibinandera ni actress-politician na si Aiko Melendez sa social media pagkatapos ng Miss Universe 2022 pageant.

Panimula ni Aiko sa kanyang Facebook post, “Una, gusto ko lang pong palakpakan ang ating kandidata, Celeste Cortesi, sa napakagandang performance na binigay niya representing our beautiful country in the 71st Miss Universe Beauty Pageant.”

“Dear Celeste, you represented well and you deserve a bigger love not just from me but from all of your countrymen as well. Bravo! Napakaganda mo at napahusay ng performance na pinakita mo,” aniya.

Patuloy pa ni Aiko, “You did well. Stand proud and come home bearing that beautiful smile on your face. Don’t let anyone take that smile away from you (green heart emoji).”

Masayang-masaya din ang TV host-actress na si Kim Chiu sa ipinakitang laban ni Celeste.

Tweet ng aktres, “Congrats celeste!!!!! Ang ganda ng nilaban mo for Philippines!”

Naganap ang 71st Miss Universe sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, USA.

Natapos ang laban ng ating pamabato na si Celeste matapos malaglag sa Top 16 semi-finalists.

Ngunit bago pa man ang grand coronation ay kabilang ang Pilipinas sa mga inilabas na “final pick” ng ilang pageant watchers.

Related chika:

Read more...