Bagong may-ari ng Miss Universe binanatan ng bashers, ‘nakikipagkumpetensiya’ raw sa mga kandidata
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Anne Jakrajutatip
HALU-HALO ang reaksyon ng Pinoy pageant fans sa naging moment ng bagong may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip sa katatapos lang na grand coronation ng naturang international pageant.
Siyempre may mga natuwa at na-excite sa mga pasabog at paandar ni Anne sa bonggang produksyon ng Miss Universe 2022 at abangers na nga ang lahat sa mga susunod pang edisyon ng pageant.
Pero may mga nabwisit at naloka rin sa ilang naging eksena niya sa event lalo na sa kanyang speech sa naganap na finals night kahapon.
Binigyan ng chance ng production si Anne na mailabas ang kanyang saloobin bilang bagong may-ari ng Miss Universe.
Dito, ibinahagi niya ang pagiging biktima ng pambu-bully noong kabataan niya kasunod ang paulit-ulit na pagsasabi ng “I love you” sa mga nagsisigawang tao sa audience gallery.
“Welcome to the Miss Universe Organization. From now on, it’s gonna be run by women, owned by trans woman for all women!” ang bahagi ng emosyonal na speech ni Anne.
Pagpapatuloy niya, “When I was born as a trans woman who got bullied and sexually harassed by my own teacher when I was young, plus I was not accepted by society because they did not want to embrace my differences.
“But guess what? I chose not to surrender! I turned pain into power! And I turned life lessons into wisdom!” mariin pa niyang sabi.
Ayon sa mga nabasa naming reaksyon, sa halip na makuha ang simpatya ng publiko, tila mas tumindi pa ngayon ang pambu-bully sa kanya hindi lang ng mga taga-Thailand kundi maging sa iba’t ibang panig pa ng universe.
Bukod sa ginagamit umano ni Anne ang Miss Universe Organization para sa sariling interes at kapakanan ay nakikipagkumpetensiya pa raw siya sa mga kandidata.