Janine humirit sa pagkatalo ni Celeste sa Miss Universe ‘as anak ni Lotlot’, payo ng netizens: ‘Ikaw na kasi sumali next time!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Celeste Cortesi, Janine Gutierrez at Lotlot de Leon
HINDI lang si Celeste Cortesi at Miss Universe 2022 pageant ang trending topic kahapon sa social media kundi pati na rin ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.
Bentang-benta ang naging hirit ni Janine sa ipinost niyang mensahe sa Twitter nang hindi nga makapasok sa Top 16 ang representative ng Pilipinas sa ika-71 edisyon ng Miss Universe na ginanap sa Amerika kahapon.
Ang naturang message ng Kapamilya actress ay para sa lahat ng mga Pinoy na nagalit, nadismaya at naloka nang bonggang-bongga dahil natsugi agad si Celeste sa laban at hindi man lang napasama sa Top 16 finalist.
Ang viral tweet ni Janine, “As anak ni Lotlot, sending all my love to everyone affected by today’s event.”
Para sa mga hindi pa masyadong aware, ang “Lotlot” na tinutukoy ng dalaga ay ang kanyang award-winning actress na ina na si Lotlot de Leon. Ang “Lotlot” kasi ay isa sa mga ginagamit na termino sa showbiz para sa salitang talo o talunan.
Mabilis ngang nag-viral ang tweet ni Janine na umani ng sandamakmak na reaksiyon mula sa kanyang mga followers. At sa katunayan, pati ang nanay niyang si Lotlot ay napa-comment din sa kanyang post.
“Mga anak! Okay lang yan.. babawi daw tayo next year!” hirit ng aktres.
Narito naman ang ilan sa mga tweet ng mga netizen.
“HAHAHAHAHA! LOTLOT AND FRIENDS!”
“Waaahahahah… kaya idol kita eh, hndi ka lang super beautiful, apakasmart at witty mo pa.”
“Kaw naman sumali, maganda at matalino ka naman beh. Game!”
“Bilisan mo na kasi diyan naghihintay na ang korona sa’yo mare.”
“Hahahaha! Kaya super love na talaga kita Janine! So witty!”
Nauna rito, nagbahagi rin si Miss Universe 2018 Catriona Gray ng kanyang saloobin tungkol sa pagkatalo ni Celeste sa pageant pati na ng ibang kandidata mula sa Asia.
Isa si Cat sa naging commentator sa Miss Universe 2022 coronation night kasama si “American Ninja Warrior” presenter Zuri Hall.
“Guys, you are not alone. Philippines, Thailand, Mexico, Indonesia—I know you might be feeling a little bit of disappointment right now, but we always have next year,” aniya.
Waging Miss Universe 2022 ang bet ng USA na si R’Bonney Gabriel, na isang half-Pinay, kaya naman happy na rin ang madlang pipol kahit natalo si Celeste.