Celeste Cortesi bigong makapasok sa Top 16 ng Miss Universe 2022

Celeste Cortesi laglag sa Top 16 ng Miss Universe 2022

Celeste Cortesi (Photo from Twitter)

NATAPOS agad ang laban ni Celeste Cortesi sa 71st Miss Universe pageant matapos malaglag sa Top 16 semi-finalists.

Kasalukuyang ginaganap ngayon ang Miss Universe 2022 sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, USA.

Bago pa man ang grand coronation ngayong araw, palagi nang kasama si Miss Universe Philippines 2022 sa mga “final pick” ng mga pageant websites at vlogs.

Sa listahan ng Missosology, nasa Top 1 ang pambato ng Venezuela na si Amanda Dudamel, habang nasa number 2 si Celeste Cortesi. Sa Pageantology naman ay nasa  Top 9 ang dalaga, ngunit hindi nga pinalad ang bet ng Pilipinas na makaabot sa Top 16.

Ang mga kandidatang pumasok sa Top 16 ay ang mga sumusunod:

1. Miss Puerto Rico, Ashley Cariño

2. Miss Haiti, Mideline Phelizor

3. Miss Australia, Monique Riley

4. Miss Dominican Republic, Andreina Founier

5. Miss Laos, Payengxa Lor

6. Miss South Africa, Ndavi Nokeri

7. Miss Portugal, Telma Madeira

8. Miss Canada, Amelia Tu

9. Miss Peru, Alessia Rovegno

10. Miss Trinidad And Tobago, Tya Janè Ramey

11. Miss Curacao, Gabriela dos Santos

12. Miss India, Divita Rai

13. Miss Venezuela, Amanda Dudamel

14. Miss Spain, Alicia Faubel

15. Miss USA, R’Bonnie Gabriel

16. Miss Colombia, Maria Fernanda Aristizabal

Mula sa Top 16, pipili ang panel of judges ng Top 5 na sasabak sa Evening Gown competition at sa huli ang Top 3 candidates na lamang ang maglalaban-laban para sa Final Statement Round.

Sa ikalawang pagkakataon, si 2012 Miss Universe Olivia Culpo muli ang host ng grand coronation ng pageant kasama ang Daytime Emmy winner na si Jeannie Mai-Jenkins. Backstage commentators naman sina 2018 Miss Universe Catriona Gray at ang Emmy Award-winning host na si Zuri Hall.

Magsisilbing hurado naman sina Olivia Quido-Co, CEO at Founder ng “O Skin Med Spa” chain sa California, USA, American rapper Big Freedia, American radio at TV host Myrka Dellanos, Miss Universe 2010 Ximena Navarrete, Roku Vice President of Growth Marketing at Merchandising Sweta Panel, Miss Universe 1998 Wendy Fitzwilliam, sports journalist na si Emily Austin, Miss USA 2015 Olivia Jordan, at ImpactWayv Chief Marketing Officer Kathleen Ventrella.

Ipinakita na rin kamakailan ang bagong koronang ipuputong sa tatanghaling reyna ngayong taon na ginawa ng Mouawad na nagkakahalagang $6 milyon, at ang bagong “sustainable” sash na mula sa “post consumer” na materyal.

Pagrampa ni Celeste Cortesi bilang Darna sa 71st Miss Universe aprub na aprub sa Ravelo family

Celeste Cortesi sinagot kung bakit karapat-dapat siyang manalong Miss Universe 2022; bagong korona ng pageant ibabandera na

Read more...