FDA: 18 na bata nakaranas ng ‘side effect’ dahil sa Sangobion Kids syrup

FDA: 18 na bata nakaranas ng ‘side effect’ dahil sa Sangobion Kids syrup

NAKARANAS ng masamang epekto o “side effect” ang hindi bababa sa 18 na bata matapos uminom ng iron syrup supplement for children na “Sangobion Kids” syrup.

Ayon sa Food and Drug Administration (FDA) na ibinandera sa Facebook nitong January 13, karamihan sa mga nararamdaman ng mga bata ay pagsusuka, pagtatae, pagkawala ng gana sa pagkain, pamumutla at pananakit ng tiyan.

Ngunit tiniyak naman ng FDA na walang naiuulat na ito ay nakamamatay o life threatening.

“The FDA received 18 adverse drug reaction (ADR) reports from consumers and Marketing Authorization Holder (MAH) as of 09 January 2023. The top reported ADRs are vomiting, diarrhea, decreased appetite, pallor and abdominal pain. None of the reports resulted to fatal/life-threatening outcomes,” sey ng FDA sa inilabas na pahayag.

Matatandaang boluntaryong pina-pull out sa merkado ng mismong manufacturer ang mga produkto ng Sangobian Kids syrup.

Nadiskubre kasi dito na may mataas itong sangkap na tinatawag na “ethylene glycol” na posibleng magdulot ng ilang adverse reaction sa mga batang iinom. 

Lahad sa isang press release, “The Food and Drug Administration (FDA) issued FDA Advisory No. 2022-1968 on the voluntary recall of Iron + Vitamin B Complex [Sangobion Kids] Syrup due to the detection of ethylene glycol above the maximum allowable limit which may elicit potential adverse reactions if consumed in high doses.”

Muling nagpaalala ang FDA sa lahat na itigil agad ang distribusyon, pagbenta, pagbili at paggamit ng naturang produckto.

Kasalukuyan na rin daw nilang iniimbestigahan ang insidente.

Patuloy ng ahensya, “Therefore, distributors, hospitals, retailers, pharmacies, or clinics that have stocks of the product are instructed to discontinue further distribution, sale, and use. 

“Likewise, all consumers are advised not to use or purchase Sangobion Kids Syrup.”

“If you have purchased the subject product, you may contact Procter & Gamble Philippines, Inc. at 88943955 (Metro Manila) or 1800 1888 8008 (Outside Metro Manila) for guidance on return and refund, and for any question or additional information regarding the recall,” abiso pa sa pahayag.

Read more:

Team Kramer namahagi ng paracetamol syrups para sa mga bata

Read more...