TRENDING sa Youtube ang kalalabas lang na single ng American singer-songwriter na si Miley Cyrus.
Ito ang may titulong “Flowers” na kabilang sa inaabangang comeback album ng singer ngayong taon.
‘Yan din ang kauna-unahang kanta na ini-release niya matapos ang tatlong taong pagpapahinga sa music industry.
Ayon sa Sony Music Entertainment, ang “Flowers” ay tungkol sa pagmamahal sa sarili at katapangan.
“The track finds Miley opening on self-love and courage, noting that ‘Started to cry / But then I remembered / I can buy myself flowers / Write my name in the sand’ before ultimately and powerfully declaring ‘I can love me better than you can’,” sey sa isang pahayag ng music company.
Isang araw palang uploaded sa YouTube ang official music video ng bagong single at umaani na ito ng 14 million views.
Makikita pa sa comment section na nagdidiwang ang kanyang fans dahil sa muli niyang pagbabalik.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“I’m proud of this woman,she got 14M views in just 1 day and she really deserve it (red heart emoji)”
“This is my favorite song of hers yet…I love everything about this and the message it sends.”
“Truthfully, she has the potential to be #1 on multiple charts with this type of style. Please make more.”
Kamakailan lang ay inanunsyo ng international singer na ilalabas na niya ang bagong album sa March 10 at ang title nito ay “Endless Summer Vacation.”
Sey niya sa isang Twitter post kalakip ang kanyang tila album cover, “ENDLESS SUMMER VACATION. THE ALBUM. MARCH 10.”
ENDLESS SUMMER VACATION. THE ALBUM. MARCH 10. pic.twitter.com/JUgcadUiGF
— Miley Cyrus (@MileyCyrus) January 5, 2023
Related chika:
Pop singer Miley Cyrus may comeback album sa Marso, Pinoy fans abangers na