BUMUBUHOS na ang suporta para sa bet ng Pilipinas sa Miss Universe competition na si Celeste Cortesi, lalo na’t malapit na ang Coronation Day.
Isa na riyan si Miss Universe Philippines Organization National Director na si Shamcey Supsup na naniniwalang mananaig sa entablado.
“Best of luck @celeste_cortesi (starstruck face emojis) We have 100% faith that you will rock the stage tonight! Let’s go Pilipinas!!!! (Philippine flag emojis)”
Umaasa din si Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo na makukuha ng Pilipinas ang ika-limang korona ng Miss Universe.
Sey ni Rabiya sa kanyang Instagram Story, “5th crown na to for the country!!!”
“Indeed, you proved to everyone that deserve to represent the Philippines at the Miss Universe stage (crown emoji),” dagdag pa niya habang ibinandera ang ilang pictures ng ating pambato sa pre-pageant competition.
Aniya, “Let the sun light up your ay to success, Laban lang, Cele!”
Todo naman ang papuri ng beauty queen na si MJ Lastimosa kay Celeste at sinabing, “Ang galing ng overall performance ni Celeste. You can’t deny pasok sa banga si ante.”
Si MJ ang lumaban sa Miss Universe noong 2014 para sa Pilipinas.
Ang galing ng overall performance ni Celeste. You can’t deny pasok sa banga si ante
— MJ Lastimosa (@MJ_Lastimosa) January 12, 2023
Ibinahagi rin ni Binibining Pilipinas 2022 contestant na si Graciella Lehmann ang national costume ni Celeste sa kanyang Instagram Story at sinabing, “We’re soaring (random emojis).”
Ang coronation ng 71st Miss Universe competition ay nakatakdang mangyari sa January 15 (oras ng Pilipinas) sa New Orleans, USA.
Ito ang unang edisyon ng pageant sa ilalim ng Thai-owned conglomerate na JKN Global Group.
Para sa kaalaman ng marami, apat na korona na ng Miss Universe ang nakukuha ng Pilipinas: Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Related chika:
Team Celeste Cortesi nagpaalam muna sa pamilya Ravelo bago mag-Darna sa Miss Universe 2022