Kristine Hermosa napa-throwback, hindi makapaniwalang 12 years nang kasal kay Oyo Sotto

- Kristine Hermosa, Oyo Sotto mark 12th wedding anniversary

PHOTO: Instagram/@osotto

BINALIKAN ng aktres na si Kristine Hermosa ang ilang masasayang moments nila ng mag-asawa na si Oyo Sotto kasabay ng pagdiriwang nila ng ika-12th wedding anniversary.

Sa Instagram account ng aktres ay ibinandera niya ang isang video clip na ipinapakita ang ilang lumang pictures kasama ang asawa at ilang mga kaibigan, pamilya at katrabaho.

Ayon pa sa kanya, hindi siya makapaniwala kung gaano katagal na silang nagsasama ni Oyo.

“6 years of having a peculiar yet the best friendship and 12 years of being married to you is incomparably beautiful with all of its imperfections —- I have never imagined God will bring us this far,” caption ng aktres.

Sa tagal na raw nilang dalawa ay napagtanto niya kung gaano ka-committed ang kanyang asawa sa kanya.

“Truly, nothing is impossible with the Lord. Being with you in those years and now made me realize how persistently committed and capable you are.. you’ve shown me great deal of devotion, respect and honor,” Saad ni Kristine.

Tuloy pa niya, “You selflessly love and generously share regardless of how much or little you have.

“You hold a strong sense of passion and godly wisdom.. In other words, di talaga masyadong masaya at kumpleto pag wala ka.. makulimlim ang kapaligiran (sad face emoji)”

Nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng mga nakasama, umalalay at sumuporta sa kanilang mag-asawa.

Sey ni Kristine, “To everyone who prayed and walked with us all these years and to those who stayed for a season, maraming salamat from the bottom of our hearts. (red heartes emoji).”

To all our other friends/family who have been with us through those years simply watching our roller coaster love story and the ones who stayed with us until now, we will forever cherish our moments together. (red heart emoji) Cheers to eternity my love! Happy birth-sary my Oyo!!! (red heart emoji),” dagdag pa niya.

May post din siyempre si Oyo at ibinahagi ang ilang pictures ng kanilang celebration kasama ang mga anak.

Sey pa ng aktor sa kanyang short but sweet message para kay Kristine, “I thank God for you everyday, the love of my life, Kristine. Happy anniversary! (red heart emoji)”

Matatandaan noong 2004 nang una silang magtambal sa pelikulang “Enteng Kabisote.”

Taong 2011 naman silang ikinasal at nabiyayaan ng limang anak.

Related chika:

Kristine Hermosa game na game sa pagsayaw kasama ang mga anak, netizens napahanga

Read more...