NGAYONG panay ang pagbuhos ng ulan na nagdudulot ng matinding pagbaha sa ilang mga lugar ay isang konsehal ang nakaalala sa yumaong si Gina Lopez.
Sa isang Facebook post ni Puerto Prinsesa Councilor Elgin Robert Damasco ay inalala niya ang yumaong ex-Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary at ang pangangalaga nito sa kalikasan.
“Naalala ko si former DENR Secretary Gina Lopez. Hindi siya nagkamali sa kaniyang pananaw,” umpisa ni Coun. Elgin.
“Mga kababayan natin sa Brooke’s Point at karatig Bayan. Nasa kamay ninyo nakasalalay ang kaligtasan ng inyong Bayan, mamamayan at ng inyong mga pamilya,” pagpapatuloy pa niya.
Ibinahagi rin niya ang isang artcard ni Ma’am Gina at ang larawan ng isang lugar na nakararanas ng matinding pagbaha.
“Who suffers if you kill the environment? It’s the poor. And whose duty is it to protect our people? It’s the government. And when you make decisions based on business interests, you have shirked your responsibility.
“You have lost the moral ascendency to rule the government because to you, business and money is more important than the welfare of our people,” saad ni Ma’am Gina sa naturang artcard.
Marami naman sa mga netizens ang talagang nag-agree sa post ng naturang konsehal.
“Tama po kayo, sana wag na po hayaan na mangyari ulit ang ganun kalaking baha. Babaha man hindi ganun kalala. Stop mining na po, maawa po sana sila sa mga batang maliliit na nangangarap para sa kanilang kinabukasan at nangarap para sa sarili nila bayan,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Tama naman talaga si Madam Gina Lopez.”
“We never experienced this kind of flooding in the south, particularly in brooke’s point 30 years ago. Yes, mining is equal to money for some, but all will feel mother’s earth wrath as a result of human murdering its mountain,” sey pa ng isa.
Matatandaang taong 2016 ay na-appoint ito bilang DENR secretary ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa matindi nitong mga adbokasiya na mahalin, alagaan, protektaha at pagandahin ang kalikasan.
Sa pagkakaupo ni Ma’am Gina sa pwesto ay marami itong mining companies na naipasara dahil labis itong nakakasira sa kalikasan ngunit hindi natapos ang kanyang panunungkulan dahil nagdesisyon ang Commission of Appointments na alisin siya sa puwesto dahil sa umano’y “controversial policies” at “alleged incompetence”.
Hindi naman nagpatinay si Ma’am Gina sa pagkakatanggal niya sa pwesto at ipinagpatuloy nito ang kanyang magagandamg adhikain para sa kalikasan at nagtayo ng sariling foundation na pinangalanang iLOVE.
Ngunit nitong Agosto 2019 nang pumanaw si Ma’am Gina ngunit patuloy pa rin ang pagbibigay tulong ang ABS-CBN Foundation na kanyang pinamahalaan niya nang maraming taon.
Related Chika:
Gina Lopez, Nat Geo sanib-pwersa sa ‘G Diaries’ Season 3
Mas kilalanin si Gina Lopez sa Genuine Love docu
Mundo ng showbiz nagluluksa sa pagpanaw ni Gina Lopez, siya ay 65
Palasyo nagluluksa sa pagpanaw ni Gina Lopez