TALAGA namang ibang level na pagiging fan girl ng Kapuso star na si Kim Domingo matapos itong magpadala ng food truck sa Korean star na si Cha Eun-Woo.
Sa isang Twitter update ng banda ni Cha Eun-Woo na ASTRO nitong Martes, January 10 ay makikita ang larawan ng aktor sa food truck na ipinadala ng Kapuso star.
“Thank you for inspiring us. Cheering on you, Teacher SeoWon! Chaiting!!” mensahe ni Kim na nakadikit sa food truck.
맛난 커피차랑 소떡소떡이랑 크로플 너무 잘 먹었어요👍👍👍
Thank u so much😊
서원 teacher chaiting!!! pic.twitter.com/3O3bZBgVoa— ASTRO 아스트로 (@offclASTRO) January 10, 2023
Nagpasalamat naman si Cha Eun-Woo sa pinakitang suporta at pagmamahal ng aktres sa kanya.
“I ate [like emojis] delicious coffee tea, beef tteokso tteok, and crofl very well. Thank u so much. Seowon teacher chaiting!!!” saad sa tweet ng ASTRO.
Marami naman sa mga netizens ang nag-comment at napa-sana all na pang sa ginawa ni Kim at nap-wow na lang sa effort na ginawa ng dalaga.
“Woii gravyyy hope all,” sabi ng isang netizen.
Chika pa ng isa, “Anong laban ko kay kim domingo putcha fishball cart nga diko kaya.”
Noon pa man ay very vocal na si Kim sa kanyang paghanga sa Korean star at sa katunayan ay personal pa itong pumila noon para bumili mismo ng ticket sa naganap na fan meeting nito sa Manila noong nakaraang taon.
Si Cha Eun-woo ay nakilala mga Korean drama nito gaya ng “My ID Is Gangnam Beauty” (2018), “Rookie Historian Goo Hae Ryung” (2019), “True Beauty (2021), at ngayon nga ay abala ito para sa taping ng kanyang next series na “A Good Day to Be a Dog”.
Related Chika:
Kim Domingo namigay ng free tickets para sa Cha Eun Woo fan meet; may promise sa cancer patient
Kim Domingo binatikos dahil sa pagbili ng ticket para sa fan meeting ni Cha Eun Woo
Kim Domingo tinamaan na rin ng COVID-19; iyak nang iyak nang matanggal sa serye ni Jennylyn
Kim Domingo umaming tumaba: Minsan kasi wala rin akong disiplina sa food!