Michelle Yeoh waging best actres sa 2023 Golden Globe Awards, humirit ng, ‘Shut up, please! I can beat you up’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Michelle Yeoh (Photo from Twitter)
VIRAL na ngayon sa social media ang acceptance speech ng international actress na si Michelle Yeoh sa katatapos lamang na 2023 Golden Globe Awards na ginanap sa Beverly Hilton sa Beverly Hills, California, USA.
Si Michelle ang tumanggap ng Best Performance by an Actress In Motion Picture-Musical or Comedy para sa “Everything Everywhere All At Once.”
Aliw na aliw ang mga manonood sa naging hirit ng Hollywood star nang magsimula na siyang magsalita para magpasalamat sa natanggap na bonggang award.
Hindi pa kasi tapos ang kanyang speech ay bigla nang nagpatugtog ng music ang production kaya nag-dialogue siya ng, “Shut up, please!”
“I can beat you up, okay? And that’s serious,” ang sey pa ng Asian superstar at itinanghal na Icon of The Year ng TIME magazine last December.
Pagpapatuloy pa ni Michelle na napanood din sa pelikulang “Crazy Rich Asian” kung saan nakasali rin ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
“It’s been an amazing journey and incredible fight to be here today. I remember when I first came to Hollywood, it was a dream come true until I got here.
“Because look at this face, I came here and was told ‘you’re a minority.’ And I’m like ‘No, that’s not possible.’
“I probably was at a time where I thought, ‘Well, hey, come on, girl. You had a really, really good run. You worked with some of the best people.
“And then along came the best gift — ‘Everything Everywhere All At Once,'” ang pahayag pa ni Michelle.
Ito ang unang beses na na-nominate sa Golden Globes at siya pa ang nagwagi. Nakalaban niya sa pagka-best actress sina Lesley Manville (Mrs. Harris Goes to Paris), Margot Robbie (Babylon), Anya Taylor-Joy (The Menu), and Emma Thompson (Good Luck to You, Leo Grande).