Kilalang celebrity naloka, sumakit ang ulo sa napanood na pelikula: Para akong nabudol!

Kilalang celebrity naloka, sumakit ang ulo sa napanood na pelikula: Para akong nabudol!

Guess, guess who!?

BUMUBULA ang bibig ng kilalang personalidad sa showbiz nang tawagan kami para ikuwento na “nabudol” daw siya nang panoorin ang pelikulang hindi niya maintindihan kung saan patungo ang istorya.

“’Wag mo nang banggitin ha (movie at bida), pero talagang matutulala ka!” bungad ng kilalang personalidad sa kabilang linya.

“Hindi ko lubos maisip kung bakit ipinrodyus ‘yung movie. Well, maganda rin kasi may mga natulungang manggagawa sa industriya pero parang mas naawa naman ako sa producer na hindi ko mawari kung bakit? Bakit?” diin ng aming kausap.

Pati kami ay nalilito sa kuwento ng kilalang personalidad tungkol sa pelikula na hindi na raw niya tinapos dahil ayaw niyang magka-migraine.

“Okay na sumakit ulo ko, baka kasi lumala, e, hindi ako puwedeng magkasakit ‘no? Alam mo namang marami akong ganap,” katwiran niya sa amin.

Sabi namin baka puwede kaming magbigay ng clue kung anong pelikula ang pinag-uusapan namin at pati bida para naman maging legit ito, since mahilig naman siyang magrebyu ng mga pelikula.

“Potah ka, ‘wag na!” mabilis na pagbabawal sa amin.

E, kumita ba ang movie? “Ewan, wala pa bang inilalabas na figures?  Di ba naglabas na?” kaswal na sagot ng aming source.

“Huh? Hindi naman ang mga pelikulang kasama sa Metro Manila Film Festival ang pinag-uusapan natin, ah?” sabi namin. “Oo, naglabas na nga ng figures ang MMFF di ba, alam naman na kung ano ‘yung top grosser at ‘yung hindi.”

“Ay, oo nga pala,” tanging sagot sa kabilang linya na halatang inililigaw ang usapan.

“Lituhin ba kami?” hirit namin sa kanya.

“Ha-hahahaha! Ewan ko sa ‘yo Reggee. Basta ako gusto kong makatulong sa industriya pero sana ‘yung magandang materyal, at pagkakagawa. Kasi sa totoo lang nakakaawa ang producer kung hindi mababawi ang puhunan niya,” paliwanag ng aming kausap.

Dagdag pa, “Kahit pa sobrang mapera ang producer lalo’t malaking kumpanya naman yata sila, sayang pa rin di ba?  Ang hirap makabawi ngayon.”

Mababawi naman ‘yun kapag ibinenta sa ibang online platform.

“Ay oo sure na sure lalo’t hindi naman kalakihan ang puhunan,” sabi agad ng kilalang personalidad.

Jelai Andres kumonsulta sa ‘healer’ para isalba ang relasyon kay King Badger: Pero parang nabudol ako

Sikat na celebrity may hugot sa kilalang aktor: Ang hilig niyang mamikon, tapos siya pikon!?

Sam Milby kinabiliban sa pagganap sa ‘A Family Affair’; personalidad na posibleng kasuhan ng business partner paiba-iba ng abogado

Read more...