Kaye Abad nagluluksa sa pagpanaw ng lola: ‘Sobrang sakit…ang dami kong mami-miss sa ‘yo’

Kaye Abad nagluluksa sa pagpanaw ng lola: 'Sobrang sakit...ang dami kong mami-miss sa 'yo'

Kaye Abad

“SOBRANG sakit!” Yan ang nararamdaman ngayon ng aktres na si Kaye Abad sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang lola kamakailan.

Nagluluksa ang pamilya nina Kaye sa pagpanaw ng kanilang lola batay na rin sa malungkot na balitang ibinahagi niya sa Instagram kamakalawa, January 7.

Hindi naman nabanggit ni Kaye kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang lola.

Sa throwback photo ng Kapamilya actress na ipinost niya sa IG, inisa-isa niya ang mga bagay na mami-miss niya nang bonggang-bongga sa kanyang lola.

“Sobrang sakit na hindi ako makakauwi jan para makita ka sa huling pagkakataon. ang dami kong mamimiss sa’yo,” ang panimulang mensahe ni Kaye para sa pumanaw na mahal sa buhay.

Pagpapatuloy pa niya, “Yung paggawa mo ng prayer cards para ibigay sa mga kaibigan mo.

“Tapos pag may nakita akong magazine na may bulaklak gugupitin ko yun para ibigay sa’yo. Kasi ididikit mo yun sa prayer cards.


“Yung pag aalala mo sa 3 paborito mong apo. Hehe. Yung mga ‘Nasan na si Kevin?’ ‘Anong oras umuwi si Carlo?’ ‘Bea, nagpalit ka na ba ng _?’”

“Yung tunog ng pustiso mo tuwing kumakain ka. Yung hotdog mo na gagawin mong bulaklak tapos iluluto mo sa ketchup, toyo at asukal.

“Yung mga salitang ikaw lang yata ang nag-imbento. (wakinggowl, masser, ulaes, macher) hay lola. malungkot kasi wala nang susunduin si mama para mag-merienda sa bahay,” lahad pa ng aktres.

Sentimyento pa ng celebrity mom, “Wala na ‘kong papasalubungan ng snacks galing eroplano. Pero alam kong masaya ka na ngayon at makakasama mo na si Lolo. Mahal na mahal ka namin , la! Sobrang mamimiss kita.

“Sino pala magkikilay sayo jan?” ang birong mensahe pa ng asawa ng aktor at negosyanteng si Paul Jake Castillo.

Kaye Abad gusto nang magbalik-showbiz: ‘Kung hindi ako mabuntis ulit! Joke lang, ayoko na!’

Kaye Abad kumikita lang ng P800 noon kada taping; nagbigay ng tips sa mga gustong mag-artista

Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero…

Read more...