Carlo Aquino pinayuhang dumulog sa korte para makasama ang anak kay Trina Candaza

Carlo Aquino pinayuhang dumulog sa korte para makasama ang anak kay Trina Candaza

Trina Candaza, Carlo Aquino at Baby Mithi

SA pagpapalitan ng masasakit na salita ng ex-couple na sina Carlo Aquino at Trina Candaza ay ano nga ba ang kahahantungan nito?

Kamakailan ay nag-post si Trina sa kanyang Facebook account ng, “Pabango muna tayo para bumango naman ihip ng hangin, kaliwaan pag iiwan ng pamilya eh (laughing face emoji) Eno Parfums.”

Ito kasi ang negosyong pabango ng nanay ng anak ni Carlo na si Enola Mithi sa online.

Mukhang tinamaan ang ego ng aktor dahil may post siyang, “Don’t involve yourself in other people’s personal lives – Corleone. #ShotMoNaJosh @joshenvahnlee.”

Ang Corleone ay lugar sa Sicily, Italy kung saan ipinanganak ang fictional character ni Mario Puzo sa nobelang “The Godfather.”


At ang hashtag namang #shotmonajosh sabay tag sa make-up artist na si Joshen Vahn Lee na nakatrabaho ni Carlo sa pelikulang “Exes Baggage” kasama ang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

Going back to Carlo ay tila hindi naging maganda sa pandinig ng netizens ang sinabi ng aktor sa panayam niya na matagal na niyang hindi nakikita ang anak na si Mithi, “Sana mahiram ko naman tutal nagpo-provide naman ako para sa kanilang dalawa.”

Okay na sana ang mga unang hakbang ng aktor na nakikiusap siyang ipakita at makasama sana ang anak, ang kaso dinugtungan pa ng nagpo-provide naman siya sa mag-ina.

Inalmahan ng netizens at ang ilang nabasa naming reaksyon sa pahayag na ito ng aktor mula sa thread ng BANDERA online na umabot na sa kulang 250 comments, 1,300 likes (hearts) at 13 shares.

Mula kay, @Olive Albacite Remoroza, “Whatever you are asking for, make it legal, and plz u don’t have to mentioned about your support, it’s your responsibility as a Father.”

Ganito rin ang paniniwala ni @Irish Jean Dela Peña-Gecosala, “Providing doesn’t mean you validate how broken your ex-girlfriend is. Providing doesn’t mean you fill the void left by how hurt Trina feels.”

Diin din ni @Rosalinda Ramos, “Providing is not enough, it’s how you stay with your Family and love them.”

Ang payo naman ni @Leah Edquid Napoles, “The best way siguro Carlo, puntahan mo yong bata sa house ng ex-wife mo at kausapin mo siya para mahiram mo ‘yong anak niyo.”

Say din ni @Megs Megs Mendoza – Lopez, “Hindi sapat yung dahil nagpo-provide ka. Kung ganyan ang mindset mo madami pang gagaya sa style mo.”

Ayon kay @Cecilia Jamandri, “Eh di puntahan mo at hiramin. Sana nagpapakita ka pa rin once in a while sa anak mo. Di naman pera lang ang need ng bata, more on the time you have to spend with her!”

Payo ni @Vivian Pepito, “All you have to do is file for 50/50 custody. That will solve it.”

Sabi naman ni @Ztin Villegas kay Trina, “Give him the right! Anyway at the end of the day, he is still the father!”

Trina Candaza nakiusap sa netizens: Wag n’yo na po akong i-tag

Carlo sa pagmu-move on: Walang timeline, proseso ‘yan hanggang sa mawala na lang…OK next!?

Trina Candaza kinarma raw dahil sa ginawa kay Angelica: Nanahimik ako para kay Carlo, pero wala akong inagaw

Read more...