Matet de Leon, Nora Aunor nagkabati sa birthday party ni John Rendez

NAGKABATI na ang mag-inang sina Nora Aunor at Matet de Leon at nangyari ito bago mag-Bagong Taon.

Dumalo si Matet sa birthday party ni John Rendez base sa video na ipinakita sa “Showbiz Now Na” YouTube vlog nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika na in-upload sa nitong Sabado ng gabi, January 7.

Ayon sa kuwento ni ‘Nay Cristy, “Sa huling vlog ni John Rendez na nagdiwang ng kaarawan kamakailan lang ay dumating si Matet kasama ang bunsong anak na si Mia (ipinakitang nakaupong nag-uusap sina Matet at Nora).

“Bago pala nag-Bagong Taon ay tinawagan ng Superstar si Matet.  Matagal silang nag-usap ng masinsinan at inimbitahan ni Nora ang kanyang anak sa kaarawan ni John.

“Si Nora mismo ang sumalubong kay Matet sa gate (ipinakita ang video ng pagsalubong). Ramdam sa kanila ang paglalapit ang pagmamahalan, laging nakakapit sa braso ni Matet si Nora kakambal ang masuyong paghaplos.

“Nagkasundo na ang mag-ina, natuldukan na ang hindi nila pagkakaunawaan. Napakalaki talaga ng nagagawa ng komunikasyon sa anumang uri ng alitan,” sabi ng veteran columnist.

Base sa mga nabasa naming reaksyon mula sa netizens tungkol sa pagbabati ng mag-inang Nora at Matet ay marami ang natuwa at iisa ang sinabi nila, “Nice move, Matet.”

Matatandaang nagkaroon ng gusot ang dalawa kamakailan dahil sa pagbebenta ng bottled gourmet tuyo dahil sa pakiwari ni Matet ay tinapatan siya ni Nora dahil nagbebenta rin siya ng parehong produkto.

Sa nakaraang Noche Buena ay kapiling ni Nora ang biological son na si Ian de Leon at ang adopted son na si Kiko with their respective families at masaya ang lahat base na rin sa napanood namin sa YouTube channel ng panganay ng Superstar.

Hindi nakapunta si Lotlot de Leon dahil kapiling naman nito ang mga anak sa pangunguna ni Janine Gutierrez pero nagpasabi sa ina na dadalawin siya pagkatapos ng selebrasyon ng Pasko kaso masama ang pakiramdam ni Nora kaya hindi na tumuloy ang una.

Sa madaling salita okay na sina Nora at ang mga anak niya.

Related chika:

Matet naloka sa tuyo at tinapa ni Ate Guy: Nagulat ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko!?

Read more...