Ice Seguerra na-trauma sa pagkamatay ni Choppy: ‘Hindi ko man lang nayakap one last time, sobrang miss na miss ko na siya’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Ice Seguerra at Choppy
MATINDING trauma ang nararanasan ngayon ng OPM icon na si Ice Seguerra dahil sa malagim na sinapit ng alaga niyang aso na si Choppy.
Biktima ng hit-and-run incident ang kanyang pet dog na nangyari noong December 14, 2022 at hanggang ngayon ay napakasakit pa rin para kay Ice ang biglang pagkamatay ni Choppy.
Sey ng premyadong singer-songwriter araw-araw ay nagdadalamhati pa rin siya sa pagkawala ng alaga, “Siguro what we have shared, yung happiness na ibinigay niya sa akin and the manner that he was killled, medyo traumatizing siya.”
Kuwento ni Ice sa nakaraang thanksgiving at presscon para sa bagong tatag na production company nila ng asawang si Liza Diño, ang Fire And Ice Media, nasa Canada raw siya nang mabundol si Choppy.
Aniya, bigla raw nakalabas ng gate si Choppy hanggang sa masagasaan ng sasakyan, “Imagine, I was in Canada so twelve midnight yun. Pagtingin ko sa phone ko, naka-silent kasi ako, ang daming missed calls. Bakit ang daming missed calls? Tumawag ako, pagtawag ko, si Jenny umiiyak, ‘Kuya Ice, si Choppy…’ Sabi ko, ‘Ano nangyari kay Choppy?’
“Nasagasaan daw. Sabi ko, ‘Bakit di dalhin sa vet?’ Di na raw kaya. Sabi ko, ‘Anong di na kaya?’ ‘Bumagsak na yung ulo, tapos puro dugo na.’
“My god! Talagang first time ko na-experience ng ganu’ng surge ng emotions. Alam ko kalmado akong tao. Even my wife told me it was the first time to see me na parang gusto kong sumabog.
“Siguro two days akong hindi mo makausap, ang hirap kasi I was there for work, kasama ako sa presentation ng Star Magic. Kailangan kong mag-perform kahit ang bigat-bigat ng puso ko,” sabi pa ni Ice sa nasabing panayam.
Aniya pa, “Di ko man lang nayakap one last time…I miss Choppy so much, sobrang miss na miss ko.”
Unang ibinalita ni Ice ang pagkamatay ng alaga niyang aso noong December 15 sa pamamagitan ng Instagram.
“My sweet boy, Choppy, was killed today. He was a victim of a hit and run. I still can’t believe this is happening. Durog na durog ako,” ang caption niya sa mga litrato nila ni Choppy.
Dugtong pa niya, “Choppy ko..akala ko pag uwi magkasama na tayo ulit. Sobrang sakit, Chop.”