Elisse Joson umaming hindi pa talaga handang magpakasal si McCoy de Leon; sino nga ba ang may kasalanan sa hiwalayan?

Elisse Joson umaming hindi pa talaga handang magpakasal si McCoy de Leon; sino nga ba ang may kasalanan sa hiwalayan?

Elisse Joson at McCoy de Leon

HINDI raw boto ang nanay. Nagger daw. Maraming demands. Yan ang ilan lamang sa mga naglalabasang rason kung bakit daw hiniwalayan ni McCoy de Leon si Elisse Joson.

Hanggang ngayon ay wala pa ring nababanggit ang ex-celebrity couple tungkol sa tunay na rason ng kanilang biglaang breakup na pinagpiyeyestahan nga ngayon ng mga Marites.

Kung anu-ano na ang naglalabasang komento ng mga netizens tungkol sa nawasak nilang pagsasama na inakala ng lahat na mauuwi rin sa kasalan, pero sa pagpasok pa lang ng 2023 ay hiwalayan nga agad ang pasabog na balita sa mundo ng showbiz.

Kasabay nito ang paglabas naman ng isang interview kay Elisse noong ikalawang linggo ng Disyembre kung saan nabanggit pa ng aktres na feeling naman niya ay si McCoy na ang kanyang forever.


Natanong si Elisse ng ilang miyembro ng media sa isang event noong December 10 kung si McCoy na ba talaga ang maituturing niyang “the one.”

“I don’t see anybody else. Hindi naman puwede na kapag may nakita kang negative trait sa partner mo, ‘I don’t like that’ and leave. You have to work at it. What we do now is to grow together,” ang pahayag ng celebrity mom.

At tungkol naman sa pagpapakasal, “Really, that is the goal. But realistically, we want to be prepared with the baby. Honestly, he’s not ready, ‘yun naman talaga.

“We have to prepare para maayos ang steps. That’s where it will lead naman, but no pressure to anybody,” aniya pa.

Si McCoy ang unang nagkumpirma na hiwalay na sila ni Elisse pero mariing itinanggi na may third party involved, “Wala po involve na ibang tao ang pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo.”

“Hindi ko po intensyon manakit o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko,” aniya pa.

Balitang nasa ibang bansa ngayon si Elisse para ipagdiwang ang kanyang 27th birthday. Mapapanood ang aktres sa upcoming Kapamilya series na “Dirty Linen”.

Makakasama naman si McCoy sa bagong primetime series ni Coco Martin na “FPJ’s Batang Quiapo” at sa pelikula ng Viva Films na “Too Much Love Will Kill You.”

Part 2 ng love story nina McCoy at Elisse nagsimula nang dahil sa jacket, nadaan sa ‘signs’

Ion Perez kay Vice: Ang pagmamahal ko sa ‘yo walang rason para maging MALI! Happy 4th anniversary asawa ko!

Rayver may 2 rason kung bakit ‘di pa pakakasalan si Janine; Alden lalaban sa 2021 NY Festivals

Read more...