Diana Zubiri, Andy Smith super happy na sa buhay nila sa Australia kasama ang mga anak, kakaririn ang New Year’s resolution ngayong 2023

Diana Zubiri, Andy Smith super happy na sa buhay nila sa Australia kasama ang 3 anak, kakaririn ang New Year's resolution ngayong 2023

Diana Zubiri, Andy Smith kasama ang dalawang anak

MUKHANG nakapag-adjust na nang bonggang-bongga si Diana Zubiri sa simpleng buhay niya sa Australia kasama ang kanyang asawa at mga anak.

More than one year na ngayong naninirahan doon ang aktres at base sa mga ipino-post niya sa social media ay parang happy at contented naman siya sa mga kaganapan sa kanyang family life.

In fairness, going strong pa rin ang pagsasama nila ng asawang model na si Andy Smith kasama ang tatlo nilang mga anak na sina King, Aliyah Rose at Amira Jade.

Sa isang vlog sa kanyang YouTube channel ay siniguro naman niya na hindi siya nagsisisi na iwan muna ang showbiz para mag-focus sa piniling buhay sa Australia.

Kasunod nito, ibinahagi rin ni Diana sa nasabing vlog ang isa sa mga New Year’s resolution nilang mag-asawa na matagal na talaga nilang pinaplanong gawin nang magkasama.

Ito ay ang pagkakaroon muli nila ni Andy ng healthy lifestyle, “New Year’s resolution is makapag-workout kaming dalawa.


“Kasi alam n’yo naman since lumipat kami rito, kaming dalawa lang ni Andy, wala kaming ibang inaasahan para mag-alaga ng mga anak namin.

“Itong taon na ito ipinangako namin sa sarili namin na hahanap talaga kami ng time para makapag-workout,” pahayag ng dating sexy actress.

Nitong nagdaang January 1 ay sinimulan na nga nina Diana at Andy ang kanilang balik-alindog program o “fitness journey”.

Makikita rin sa vlog ni Diana na pagkatapos nilang mag-workout ay ipinasyal naman nilang mag-asawa ang mga anak sa Brighton beach para makapag-bonding nang bonggang-bongga sa unang araw ng 2023.

Matatandaang iniwan ni Diana ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para makapagsimula ng bagong buhay sa Adelaide, South Australia noong November, 2021.

Sa kanilang mga Instagram post, ibinabahagi nina Diana at Andy sa kanilang social media followers ang simple ngunit masayang pamumuhay sa Australia.

Kung kailan babalik sa Pilipinas ang pamilya ni Diana, tanging sila lang ang nakakaalam.

Diana ilang beses nag-audition sa ABS-CBN: Simula Star Circle 1 hanggang 10, ako po’y nag-apply pero naligwak ang lola n’yo

‘Lampungan’ photos nina Ellen at Derek sa beach binanatan ng netizens: Mahiya naman kayo!

‘Mananalo si Angel kung tatakbong senadora o congresswoman’

Read more...