Glaiza De Castro sinorpresa ng ‘bridal shower’, tanong ng madlang pipol: Kailan ba ang PH wedding?

Glaiza De Castro sinorpresa ng ‘bridal shower’, tanong ng madlang pipol: Kailan ba ang PH wedding?

SINORPRESA ng “bridal shower” ng pamilya at malalapit na kaibigan ang Kapuso actress na si Glaiza De Castro.

Ibig sabihin ba nito ay malapit na nga bang ganapin ang second wedding ng aktres sa Irish businessman na si David Rainey?

‘Yan ang tanong ng madlang pipol matapos ibandera ang special moment na inihanda para sa kanya.

Makikita sa Instagram post ang isang maikling video na ang mga pasimuno ng sorpresa ay ang kanyang ina na si Cristy Galura, pati ang mga kapatid na sina Cris at Mabs.

Present din sa “bridal shower” ang mga kaibigan ng aktres na sina Vanessa at Michelle.

Caption ni Glaiza sa post, “So this happened last night. Wala talaga akong ka idea idea kasi naman kala ko mag bonding lang kami ni @farfalla214. Pero ang saya kasing makita ulit kaming magkakasama.”

Kwento pa niya, “Dati kwarto at cafe lang ang bonding natin ngayon kung saan saan na tayo nakakarating pero hindi pa rin tayo mawawala sa mga mahahalagang moments ng isa’t isa.”

Wala pang detalye kung kailan ang second wedding ng Kapuso actress, pero nabanggit niya sa post na hindi pa rin siya makapaniwala na muli siyang ikakasal.

Sey ni Glaiza, “Can’t believe ilang days na lang bago mag wedding, ‘di pa talaga nag si-sink in.

“Pero sobrang na appreciate at chini-cherish ko yung mga ganitong moments dahil oras ang pinaka mainam na maibibigay mo sa tao kaya salamat mga sis. Love you (random emojis).”

Matatandaang noong 2021 nang unang nagpakasal sina Glaiza at David sa Northern Ireland.

Hindi nakadalo ang pamilya ng aktres doon kaya talagang nagplano ang couple na magkaroon ng isa pang wedding dito sa Pilipinas.

Sey ni Glaiza sa naunang interview, “It was a hard decision kasi syempre mahirap dalhin ang buong pamilya ko du’n. Ilan kami, parang 20 plus kami buong pamilya.

“Para sa amin, if we can have two weddings, why not, di ba? A Filipino wedding and an Irish wedding. You know we can have the best of both worlds.”

“Pinaghandaan talaga namin, nagpaalam ako, nagpaalam naman siya. We actually had a meeting with both families. We discussed it with them. That’s actually the reason why I went there last September,” paliwanag pa niya.

Taong 2018 nang unang nagkakilala ang dalawa sa Siargao at noong 2020 naman nang mag-propose si David kay Glaiza.

Related chika:

Glaiza nagsukat na ng wedding gown para sa ika-2 kasal sa Pinas; Rabiya, Max, Andrea pang-international na rin ang career

Read more...