Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang suspek na si BJ Vincent Escote, 20 years old, residente ng Barangay Balon Bato.
Base sa report ng pulisya, mismong ang may-ari ng motor ang nakakita sa isang online selling site.
Noong Nobyembre pa nang ni-report ng biktima na nawala ang kanyang kulay gray at orange na Yamaha Mio MXi sa kanyang bahay sa Barangay Tandang Sora.
Nitong January 3 naman nang makita ng biktima na naka-post sa Facebook Marketplace ang motor at kaagad niya itong isinumbong sa QCPD.
Sa mismong araw din na ‘yan ay nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis.
Nagkunwaring buyer ang complainant at sumang-ayon namang makipag meet-up ang suspek sa A. Bonifacio Avenue sa Barangay Balingasa.
Nang dumating na ang suspek sa lokasyon ay doon nakumpirma ng biktima na sa kanya talaga ang motor.
Dahil diyan ay on the spot na inaresto ng mga pulis si Escote at nakumpiska pa sa kanya ang isang improvised gun na “sumpak” na may lamang isang dosenang bala.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunition, at paglabag sa Anti-Fencing Law.
Read more:
Vice Ganda ulirang dyowa; nilinis ang putikang motor at boots ni Ion Perez