Suzette Doctolero sa nang-okray sa ‘Voltes V’: Kung yung panget na bashers nga luma-love story, ang mga kabataang guwapo’t magaganda pa kaya?

Suzette Doctolero sa nang-okray sa 'Voltes V': Kung yung panget na bashers nga luma-love story, ang mga kabataang guwapo't magaganda pa kaya?

Voltes V robot at Suzette Doctolero

MATAPANG at malupet ang naging reaksyon ng Kapuso scriptwriter na si Suzette Doctolero sa mga nangnenega ngayon sa “Voltes V: Legacy” ng GMA 7.

Milyun-milyong views na ang hinakot ng mega-trailer ng “Voltes V: Legacy” mula nang ipalabas ito pagkatapos ng New Year’s Eve countdown ng  Kapuso Network.

Maraming fans ng original Japanese anime series ang natuwa at na-excite nang mapanood ang mahigit limang minutong trailer ng live adaptation ng “Voltes V”, kabilang na ang veteran comedian na si Michael V.

But as expected, meron ding mga nanlait dito. Kaya naman to the rescue agad si Suzette Doctolero at sinagot ang mga bashers na nagtatanong kung bakit may love story at agawan na naman ng dyowa sa “Voltes V: Legacy.”

Hirit ni Suzette, “Manood muna bago mag Maritess at gumawa na naman ng sariling haka haka at mga hula (kahit hindi naman manghuhula).

“True, walang love story doon sa anime kasi pambata iyon. Cartoons ang tawag naming mga golden era V5 fans. Wala talagang love story sa cartoons na ang target ay kids. Sinong lokong ‘cartoons’ maker ang gagawa nun?

“Pero dahil ito ay LIVE adaptations, at ang target ay all ages (mula bata hanggang matanda), kaya ginawa naming mas ‘humanized’ ang mga characters.

“At bilang ang REYALIDAD ay mga kabataang guwapo at magaganda sina Steve, Big Bird, Mark at Jamee kaya yes, may love story. Na hindi malaking part sa kuwento pero mayroon. Imposibleng wala!” tuluy-tuloy na pagdepensa ng writer.


Aniya pa, “Kung yung mga panget na bashers nga, may mga jowa at loma-love story, bakit kaya sila nagrereact kung may love story ang mga kabataang mapupusok na mga guwapo at magaganda pa? Mag isip nga! Lols.

“Iba ang anime sa live adaptations ha. Kasama sa pagsusulat ng live adaptations ang adjustment na gawin silang tao as much as possible. Tao, okey? Hindi cartoons.

“Manood at saka maghusga. (Karamihan ng shows ko, nauuna ang mga husga tapos pag palabas na, nawawala na ang mga mema. Hay naku, 2023 na, magbago na lols),” mariin pa niyang pahayag.

Bibida sa “Voltes V: Legacy” sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho, at mula sa direksyon ni Mark Reyes.

Ka-join din sa cast sina Martin del Rosario, Dennis Trillo, Carla Abellana, Gabby Eigenmann, Neil Ryan Sese, Liezel Lopez, Christian Vazquez, Epy Quizon, Albert Martinez, Carlo Gonzales at Nico Antonio.

Nauna rito, nagsalita na rin si Michael V tungkol sa pang-ookray sa trailer ng “Voltes V” sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Hirit ni Bitoy, “Just finished watching the #VoltesVLegacy Mega Trailer… kinilabutan ako sa ganda! This is my childhood coming to reality!

“I know, nag-express na ‘ko ng excitement ko sa previous post ko pero this trailer got me more excited than ever! Nabasa ko rin ‘yung mga comments n’yo and I’m glad na maraming nag-a-agree especially ‘yung TOTOONG FANS ng V5.

“Pero s’yempre hindi mawawala yung mga nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng bashers.

“Kung hindi talaga kayo fan, wala nang magpapasaya sa inyo kahit sino at kahit kailan.

“Marami pa rin ang mga nagpapanggap at hindi matanggap na kaya nang gawin ‘to ng network with the right tools, right people and a ton of passion.

“Basta ako, sa trailer pa lang na ‘to SOLD na ako! Kudos kay Direk Mark Reyes, sa cast, sa animators and everyone involved sa production ng Voltes V: Legacy!

“You made me travel back to my childhood and relive a feeling that has long been waiting to be rekindled. I’m looking forward to that feeling in every episode.

“To all the fans and the bashers, this show is for you! Wala kahit isa sa inyo ang p’wedeng magnakaw ng saya na naramdaman ko nu’ng napanood ko ‘to. Happy 2023!” lahad ng komedyante.

Suzette Doctolero, Aiko Melendez kontra sa mga bumu-boycott ng isang online shopping app

‘Voltes V: Legacy’ team, sasabak na sa lock-in taping; Aicelle maraming nadiskubre bilang mommy

‘Voltes V Legacy’ ni Mark Reyes aprub na aprub sa Toei Company: Na-surprise sila sa napanood nila!

Read more...