Pampaswerte sa 2023: pink underwear sa mga gustong magkadyowa, blue na damit at alahas para sa buhay at negosyo

Pampaswerte sa 2023: pink underwear sa mga gustong magkadyowa, blue na damit at alahas para sa buhay at negosyo

Hanz Cua

BALAK mo bang magnegosyo ngayong 2023? Feeling mo ba ito na ang maswerte mong taon para magkadyowa o magka-lovelife ulit?

Anu-ano nga bang signs ang dapat mong hintayin at sundin at mga kulay na dapat mong isuot at para mas lalo kang lapitan ng swerte ngayong 2023?

Kung isa ka sa mga naniniwala sa  feng shui at Chinese astrologers, maaari n’yong gawing gabay ang tips at advice ni Master Hanz Cua upang mas bumongga ang inyong 2023.

Unang-una, ang lucky color daw ngayong Year of the Water Rabbit ay blue.

“Based sa computation ng lucky element sa Chinese astrology chart ay color blue ang maswerte. Mahina ang water element so ang pagsusuot ng blue… sa chart natin para ma-attract ang good luck, kailangan nating ma-enhance ang element na mahina para magkaroon ng balance,” pahayag ni Master Hanz sa isang panayam.

Aniya, ang “little touches of blue” ay pwedeng gamitin hindi lamang sa mga damit kundi pati na rin sa mga kagamitan sa bahay.

Pero warning ng feng shui expert, “Huwag i-overdo ang water element, especially if your lucky element is not water.

“A little of the blue color, pwedeng ang curtains natin blue, pillow sa sala, punda o pillow case might enhance good luck and good fortune natin. Hindi naman kailangan araw-araw nakasuot ka ng blue,” paliwanag pa niya.

Bukod sa asul, may swerte ring dala ang black at purple dahil nasa ilalim din sa ng “water element.”

Pasok din sa banga ngayong 2023 ang pagsusuot ng alahas, “White, gold, silver or gray. Sa Chinese astrology the metal produces water, kapag nalusaw ang bakal it produces water.

“Magsuot tayo ng mga alahas nating gawa sa stainless, copper, gold, white gold ay swerteng element. So ilabas na ang mga alahas natin,” chika pa ni Master Hanz.

Para naman sa mga nagbabalak magtayo ng negosyo this year, swerte raw ang mga business na may konek sa “fire”, tulad ng food, restaurants at social media.

“Video vlogging, patok pa rin. May kinalaman pa rin sa electric power, o energy sources, also patok na negosyo sa 2023.

“Ang medyo risky o hindi patok na nagpo-fall under…yung crypto-trading. Kung hindi ka po eksperto, posibleng masunog pera mo,” ang warning ng Chinese astrologer.

Pagpapatuloy pa niya, “Travel and tours posibleng mag-blossom. Year of the Water Rabbit po, posibleng tumalon-talon ang rabbit at maraming travel, transportation, mga courrier, mga express padala.”

May limang animal signs din daw na super lucky ngayong 2023 — yan ang Dog, Goat, Pig, Horse at Rat.

“Ang sign ng Year of the Dog, sila po ang pinakamaswerte dahil best friend po ng Dog ang Water Rabbit. Nasa kanya ang pinakamalaking opportunity star.

“Ang Year of the Goat, number 2 po sa pinakamaswerte, nasa kanila ang victory star.

“Ang Year of the Pig is one of the allies also, maraming opportunity na uupo sa chart niya. Successful din po this year ang Year of the Horse and Year of the Rat,” paliwanag ni Master Hanz.

Ang 2023 rin daw ang taon kung saan perfect ang magkaroon ng baby o magpakasal ang mga isinilang sa Year of the Pig, Goat at Sheep.

Samantala, pinayuhan din ni Master Hanz ang lahat ng gustong magkadyowa this year na magsuot ng “pink underwear,” at magsindi ng apat na pink candles sa gitna ng kanilang mga bedroom.

“Sa mga single magsuot kayo ng pink underwear, makakatulong sa inyo ang pagtirik ng 4 na pink na kandila sa gitna, sa center ng inyong bedroom every Friday, 8 p.m. to 9 p.m. Make your wish, ingat tayo ha.

“Huwag ninyong susunugin ang kwarto ninyo. Wish ninyo kung sino ang gusto ninyong maging dyowa, partner na gusto ninyong magayuma at hindi na makuha ng iba,” aniya pa.

Sa mga lalaking single naman, pwedeng gumamit ng pink crystals o rose quartz, “Magsuot ka ng pink underwear, lagyan mo ng picture ng rabbit, huwag lang po kung Year of the Rooster ka.

“Picture of Rabbit is a picture of playboy, of charisma. Para maraming babae ang mahumaling,” dagdag ni Master Hanz.

At para mas mapatatag pa ang relasyon ng mag-asawa, sa halip na pink, magsuot ng pulang panty o briefs, “Red underwear ay maekaka-enhance sa pag-ibig ng mag-asawa.

“Sa bedsheet pwede kayong gumamit ng kulay pula, bed cover. Pwede sa bedroom maglagay ng rabbit sa east, dalawang partner ng rabbit. Posibleng ma-enhance, mas magiging blissful ang mag-asawa,” dagdag pa niyang tip.

Sa huli, muli niyang pinaalalahanan ang madlang pipol, “Siyempre kailangan pa rin sipag, tiyaga, determinasyon, prayers pa rin. Ang kulay, ang feng shui ay gabay lamang.”

‘Year of Water Rabbit’ panahon ng kapayapaan at pagkakasundo, ayon sa ‘Queen of Feng Shui’

Sey mo Barbie sa lovelife hugot ni Diego: I won’t do anything to hurt the person I love…

‘More Than Blue’ tagos sa kaluluwa, makaka-relate ang mga ‘wasak’ ang puso

Read more...