Vice Ganda umamin: ‘Hindi ako makaalis ng walang security kasi hindi ko kayang sawayin ‘yung ibang tao’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Vice Ganda
IBA na ang definition ngayon ng Phenomenal Box-Office star na si Vice Ganda sa salitang “wealth.”
Para sa kanya, mas naging malalim pa ngayon ang pagkakaintindi niya sa “kayamanan” lalo na nang magkaroon ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Sabi ng TV host-comedian sa isang interview, wealth is more than just money, “For me, I am very rich. I am so blessed. I am loved by so many people. My family is healthy. That’s wealth. I am healthy. That’s wealth.”
Natanong kasi si Vice kung magkano na ang kanyang net worth, tugon niya, “Hindi ko rin kasi alam ang numbers. Minsan nag-a-add-add din ako. Hindi ko alam. ‘Di ba, pagsasama-samahin mo ‘yung liquid and ‘yung asset. So hindi ko alam.”
“Tutok din ako at mayroon din akong taong pinagkakatiwalaan to handle my finances,” sabi ng komedyante.
Nabanggit din niya na gusto rin niyang maging successful ang mga kaibigan at katrabaho niyang komedyante na patuloy ding nagsisikap para maabot ang kanilang mga pangarap.
“Ayaw ko nu’ng, halimbawa, lalo na kung kaibigan kong bakla, tapos maghihirap, lalo na kung alam kong may kapasidad ka para umunlad. Ayaw ko talaga ‘yun. Kina-cut ko ‘yun.
“Kasi kung hindi rin naman kita mai-influence, goodbye! Kasi baka ako ang ma-influence mo. Ganu’n ‘yun eh. Naa-adapt mo ang environment.
“Paakyat ako eh, kailangang magkasama tayo. Pero kung ang bigat mo, hindi na kita makakasama, mapu-pull down pa ako,” katwiran ni Vice.
Samantala, tungkol naman sa status niya ngayon sa entertainment industry, “Not all the time I am comfortable. May mga times na I just wish sana kalma lang ang mga tao, kalma lang ang mga eksena, sana normal lang.
“But it will not be very sincere kapag sinabi kong hindi ko nararamdaman ang celebrity status ko,” aniya.
“Siyempre kahit hindi mo i-dictate, nangyayari siya eh. Punta ka ng mall, nagkakagulo ‘yung mga tao.
“Sa mga pila-pila, bibigyan ka ng special treatment, uunahin ka, pagsisilbihan, na iniiwasan ko ‘yung mga ganu’n lalo na kung maraming tao.
“I will admit na may mga times na kinukuha ko rin naman ‘yung privilege lalo na kapag kailangan na kailangan lang.
“Hindi ako makaalis ng walang security. Hindi ako makaalis ng ako lang kasi hindi ko kayang sawayin ‘yung ibang tao. Hindi nila (madlang pipol) maiintindihan. Kailangang may ibang gumawa nu’n para sa akin.
“There must be people who must say ‘No’ for me, na magsasabi na ‘it’s not allowed.’ Kasi kapag ako mismo, hindi nila maiintindihan. It will be taken against me,” sabi pa niya.
Sa shooting o taping ba may mga special request siya sa production? “Sa shooting, kapag tinatanong nila ako, ‘Anong food?’ Sabi ko, kahit ano. I eat everything basta disente. At kapag hindi ko gusto, I will buy my own food. Hindi ako magde-demand or manghihingi.”
Trivia lang guys, knows n’yo ba na ang talent fee ni Vice noong nagsisimula pa lang siya bilang stand-up comedian kada gig ay P200 to P300 lang? Pero ngayon, milyones na ang kanyang kinikita!