2022 matindi ang naging epekto kay Maggie Wilson, bumaha ng luha: ‘There were many times I wanted to give up…’

2022 matindi ang naging epekto kay Maggie Wilson, bumaha ng luha: 'There were many times I wanted to give up...'

Maggie Wilson

ILANG beses nang muntik sumuko at bumigay sa buhay ang aktres at dating beauty queen na si Maggie Wilson dahil sa tindi ng mga pagsubok na kanyang hinarap nitong nagdaang 2022.

Inalala ni Maggie ang mga “extra challenges” na hinarap niya last year at inamin nga niya na grabe ang mga pinagdaanan niya sa personal niyang buhay.

“2022, you were tough,” ang  pagsisimula ni Maggie sa kanyang Instagram post bago sumapit ang Bagong Taon.

Pagpapatuloy pa niya, “I cried the most I’ve ever cried this year. You had me on the floor. There were many times I wanted to give up.

“I faked a smile on so many days I felt sad. I don’t wish that on anyone, even those who hurt me the most,” sabi pa ng actress-entrepreneur.


May binitiwan din siyang pangako para sa sarili sa pagpasok ng 2023, “I promised myself that I would take control of my mental and emotional well-being.”

“I am constantly laying down more boundaries where I see fit while learning.

“I previously gave so much of myself away to people who don’t deserve it. This year will be different. I will no longer let people walk all over me,” pagbabahagi pa ni Maggie.

Dedma na rin daw siya sa mga taong traydor at nang-iiwan sa ere sa gitna ng laban at handa na rin daw siyang yakapin ang ilang pagbabago sa kanyang personal life.

“I’m doing this for me. A friendship or relationship is give and receive. To the family, friends and people who have shown me love, compassion and given me support, appreciate you,” chika pa ni Maggie.

Looking forward din ang dating beauty queen sa mas masagana, tahimik, mapayapa at malusog na 2023.

Nitong nagdaang taon, naging kontrobersyal ang aktres at negosyante nang maghiwalay sila ng kanyang estranged husband na si Victor Consunji. Kung anu-anong issue ang naglabasan nang sumabog ang kontrobersya sa kanilang breakup.

Maggie Wilson nabili na ang franchise ng Miss Universe UAE

Tracy Perez biktima rin ng pambu-bully sa school, grabe ang hinarap na pagsubok: I thought I would never survive…

Charo Santos inatake rin ng anxiety dahil sa pandemya: Hinarap ko yung takot ko sa COVID

Read more...