Netizens napa-wow sa mega trailer ng ‘Voltes V: Legacy’: Talagang sobrang maiiyak ka!

Netizens napa-wow sa mega trailer ng 'Voltes V: Legacy': Talagang sobrang maiiyak ka!

Ang cast members ng ‘Voltes V: Legacy’

NAPA-WOW talaga ang mga Kapuso viewers sa ipinalabas na “mega trailer” ng upcoming primetime series ng GMA 7 na “Voltes V: Legacy.”

Mismong ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang nag-announce sa pagpapalabas ng more than 5 minute video ng “Voltes V: Legacy” pagkatapos ng naganap na Kapuso Countdown To 2023.

Umabot na ng milyun-milyon ang nakuhang views nito sa official Facebook Page at Twitter account ng Kapuso Network at halos lahat ay talagang namangha sa kanilang napanood.

In fairness, mukhang talagang pinaghirapan, ginastusan at pinaganda nang bonggang-bongga ng buong production ang pagbuo sa live action adaptation ng naturang classic Japanese anime series.

Mapapanood nga sa first full trailer  “Voltes V: Legacy” ang lead stars na sina Miguel Tanfelix (as Steve Armstrong), Ysabel Ortega (as Jamie Robinson), Radson Flores (as Mark Gordon), Matt Lozano (as Big Bert), and Raphael Landicho (as Little Jon Armstrong).

Pasabog agad ang mga patikim nilang eksena suot ang kanilang costume lalo na ang kanilang pagbo-volt in bilang Voltes V upang iligtas ang Earth mula sa pananakop ng mga Boazanians.


“Tandaan n’yo, sa atin nakasalalay ang buong mundo, kaya kailangan nating manalo,” ang dialogur ni Miguel sa nasabing eksena.

Makikita rin sa trailer ang iconic Camp Big Falcon, ang Boazanian Skull Ship, at siyempre ang higanteng Voltes V robot.

Ilan pa sa mga nakita namin sa mega trailer ng serye ay sina Dennis Trillo as Ned Armstrong, ang ama nina Steve, Big Bert at Little Jon; Martin del Rosario bilang si Prince Zardov, ang magiging kaagaw ni Steve kay Jamie.

Kasama rin sa cast sina Elle Villanueva, Carla Abellana, Liezel Lopez, Epy Quizon, Carlo Gonzales, Gabby Eigenmann, at Neil Ryan Sese.

Pahayag ng leading lady ni Miguel sa serye after mapanood ang trailer, “Honestly, ‘yung umpisa pa lang, ‘yung skull ship, talagang sobrang nakaka-emotional talaga kasi we’ve been working so hard on this project for so long.

“So seeing ‘yung first ep, seeing ‘yung preview na napakita sa ‘min with the scoring and everything, talagang sobrang maiiyak ka talaga,” aniya.

Unang in-announce ng GMA 7 na gagawin nila ang live-action series ng “Voltes V” sa 2020 New Year’s Eve countdown.

Ang “Voltes V: Legacy” ay ibinase sa Chōdenji Machine Voltes V series, isang Japanese anime na umere noong dekada ’70.

‘Voltes V Legacy’ ni Mark Reyes aprub na aprub sa Toei Company: Na-surprise sila sa napanood nila!

Shooting ng ‘Voltes V: Legacy’ sisimulan na; Direk Mark ipinasilip ang set ng Camp Big Falcon

Iza Calzado, Jane de Leon trending sa full trailer ng Darna: ‘Nahanap na nila ako!’

Read more...