Pope Emeritus Benedict XVI pumanaw na sa edad 95

Pope Emeritus Benedict XVI pumanaw na sa edad 95

Pope Emeritus Benedict XVI

PUMANAW na si Pope Emeritus Benedict XVI ngayong araw sa kanyang tirahan sa Vatican. Siya ay 95 years old.

Ayon sa ulat, mismong ang spokesman ng Holy See ang nagbahagi ng malungkot na balita sa pamamagitan ng isang official statement.

Nabatid na namayapa ang dating Santo Papa sa loob ng Mater Ecclesiae Monastery sa Vatican.

“With sorrow I inform you that the Pope Emeritus, Benedict XVI, passed away today at 9:34 in the Mater Ecclesiae Monastery in the Vatican.

“Further information will be provided as soon as possible,” ang bahagi ng inilabad na statement ng Vatican.

Kamakailan lamang ay humiling pa si Pope Francis na ipagdasal ang dating Santo Papa sa pagtatapos ng pagharap niya sa General Audience sa Vatican City.

Ito’y dahil nga sa patuloy na paglala ng health condition ni Pope Benedict XVI na nagbitiw sa tungkulin nito noong February 28, 2013.

“I would like to ask you all for a special prayer for Pope Emeritus Benedict, who in silence is supporting the Church.

“Remember him — he is very ill — asking the Lord to console him, and sustain him in this witness of love for the Church, until the end,” ang hiling ni Pope Francis.

Matatandaang mas piniling manirahan nang permanente ni Pope Benedict sa Mater Ecclesiae matapos bumaba sa puwesto bilang leader ng Iglesia Katolika dahil hindi na niya magampanan ang kanyang mga tungkulin.

2 Pilipino binigyan ni Pope Francis ng mahalagang misyon sa Oceania, Holy Land

Actor-vlogger goodbye muna sa YouTube: I’m scared to lose myself….

Read more...