KUNG ang hanap ninyo ay super relatable na Metro Manila Film Festival 2022 entry, swak na swak ang ‘Family Matters’ para sa inyo.
Mula sa direksiyon ni Nuel Naval at panulat ni Mel Mendoza del Rosario, talaga namang tagos sa puso ng lahat ng viewers sa sinehan ang mga eksena sa light drama film na ito. Siyempre may halo ring katatawanan na very natural lang para sa isang pamilya.
Naaliw nga ako sa isang grupo ng magpipinsan na nakasabayan kong manood dahil sobrang na-miss daw nila ang kanilang pamilya at nagbabalak pang mag-set ng kanilang bakasyon.
Well, talaga namang mapapaisip ka ng ganoon dahil as stated sa mismong pamagat ng pelikula ang pinakamensahe nito: wala nang mas hihigit pa sa iyong pamilya. Sabi nga, ‘we gotchu fam!’
Anyway, tungkol itong movie sa mag-asawang senior citizen na magkasama na sa loob ng 55 years at kanilang anak.
Sinubok ang tatag ng apat nilang supling lalo pa’t humihina’t nagkakasakit na ang kanilang magulang na sina Francisco (Noel Trinidad) at Eleanor (Liza Lorena) Florencio.
Panganay si Kiko na ginampanan ni Nonie Buencamino. Isa siyang mayaman ngunit mainitin ang ulo na engineer. Asawa nito si Odette (Agot Isidro) at may tatlo silang anak na very Gen Z kabilang na rito si Francis na kinakatawan ni Ian Pangilinan.
Amazeballs ang tapatan ng mag-amang Kiko at Francis na talagang nagpabago ng ihip ng hangin sa sinehan. Sobrang touching ng pangyayari lalo pa’t matagal nang gustong mapukaw ng anak ang atensiyon ng ama.
Debut movie pala ito ni Ian na unang nakilala sa boy’s love series na ‘Gaya sa Pelikula’. Promising ang kanyang naging pagganap dito at napatunayan niyang kering-keri niyang makipagsabayan sa mga beterano.
Back to the magkakapatid, second child si Fortune (Mylene Dizon). Asawa naman niya si Nelson (James Blanco) at may tatlo ring chikiting. May-ari sila ng pet grooming salon.
May beef (tension) lang sa pagitan nina Nelson at Kiko na talagang nagpatindi sa mga eksena sa kabuuan ng pelikula. Realistic lang din ito dahil normal ang alitan ng magbayaw (o hipag) sa isang pamilya lalo na kung usapang pera.
Pangatlong anak ang unmarried but ready to mingle na si Ellen (Nikki Valdez). Dahil single, sa kanya napunta ang responsibilidad na mag-alaga muna sa kanilang mga magulang.
May time na nakahanap siya ng love of her life sa Amerika, ngunit mas pinili naman niya ang kanyang pamilya. Truly, kung hindi para sa’yo aba huwag ipilit ganern!
Bunso naman si Enrico (JC Santos). May isa itong anak sa kanyang ex-wifey Glenda (Ina Feleo) at sa kasalukuyang kinakasama na si Irene (Ana Luna).
Nuknukan ng kulit at talagang happy-go-lucky itong si Enrico to the point na hirap siyang pagkatiwalaan ng kanyang mga kapatid sa isang eksena. And, talagang inaasar siya rito dahil isa siyang menopausal baby.
Bukod sa winner na sa casting, winner pa sa Pamilyang Pilipino ang ‘Family Matters’. Binabalik tayo sa kung saan tayo nanggaling at iniaayon ang lahat ng galaw sa pelikula sa modernong panahon.
For sure, mamimiss mo ang iyong magulang epektibong naipadama rin nila ang point-of-view ng isang tumatandang mag-asawa na nakikita ang kanilang mga anak na nakatatayo sa kanilang sariling paa, na tila nakaabala sila sa mga ito.
Cliche man ang ilang eksena pero magandang pagmunihan ito lalo pa’t kakaiba ang stress na dinulot ng pandemya sa bawat Pamilyang Pilipino. Mahalaga ang pagsasama ng isang pamilya at pakikipag-usap sa kanila hindi lamang sa panahon ng gipitan.
Anyway, nakapagtataka lang na sa kabila ng good feedback mula mismo sa moviegovers ay wala man lang napanalunang major awards ang pelikula sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal.
Tanging sina Tito Noel at Nonie ang na-nominate para sa best actor category na nakuha ni Ian Veneracion para sa pelikulang “Nananahimik Ang Gabi.”
Ni wala man lang kina Liza, Nikki, Mylene, at Agot ang nakonsidera para sa pagka-best actress o best supporting actress.
Ang tanging napanalunan ng naturang pelikula ay ang Gatpuno Antonio J. Villegas Award.
Related Chika: