Xander Ford tatay na: Anak, ipagmamalaki kita kahit ano pang sabihin nila!

Xander Ford tatay na: Anak, ipagmamalaki kita kahit ano pang sabihin nila!

Gena Mago, Xander Ford at Baby Xeres Isaiah

TATAY na ang kontrobersyal na social media personality na si Marlou Arizala na mas kilala na ngayon bilang si Xander Ford.

Nanganak na ang kanyang partner na si Gena Mago nitong nagdaang Huwebes, December 29 and it’s a bouncing and healthy baby boy!

Ibinalita ni Xander ang good news at ang pagdating ng biggest blessing sa buhay niya sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.


Kalakip ang unang family picture nila, ito ang inilagay na caption ni Xander,  “ANAK HAPPY GIVE BIRTH SAYO MAHAL NA MAHAL KITA KAHIT ANO PANG SABIHIN NILA IPAG MAMALAKI KITA.

“AT MAGIGING MAGANDA ANG BUHAY MO HINDING HINDI KITA PABABAYAAN KAYO DALAWA NG MOMMY MO Gena Mago,” mensahe ng internet sensation.

Bukod dito, nag-upload din siya ng mini vlog kung saan mapapanood ang naging preparasyon sa panganganak ni Gena hanggang sa manganak na nga ito.

Kitang-kita sa video kung gaano kasaya si Xander nang sa wakas ay makita na niya ang kanyang anak na pinangalanan nilang Xeres Isaiah.

Nag-post din si Gena sa Facebook ng litrato nila ng anak at ni Xander  at nagpasalamat sa napakagandang blessing na dumating sa kanilang pamilya.

“LORD THANK YOU SA DALAWANG BIYAYA NA BINIGAY MO,” ang mensahe ni Gena sa kaniyang Facebook post.

Xander Ford excited nang maging tatay; Gena Mago nakiusap na huwag laitin ang anak

Xander Ford gustong mag-sorry nang personal kay Kathryn Bernardo, umaming binayaran lang para manglait

‘Mahal Kita, Beksman’ pasok sa 52nd International Film Festival Rotterdam, ‘Sampung Mga Kerida’ mapapanood simula February 2023

Read more...