MMFF 2022 Review: ‘My Teacher’ punong-puno ng aral tungkol sa pagsusumikap, pagpapatawad

MMFF 2022 Review: ‘My Teacher’ punong-puno ng aral tungkol sa pagsusumikap, pagpapatawad

PHOTO: Facebook/Metro Manila Film Festival (MMFF) Official

TUNAY na nakaka-relate sa tunay na buhay, lalo na sa pagiging estudyante ang Metro Manila Film Festival entry na “My Teacher.”

Napanood namin kamakailan lang ang pelikula at halo-halong emosyon ang naramdaman namin habang pinapanood ito.

Kami ay napatawa, napaiyak, at may konting inis sa mga eksena na aming nasaksihan.

Ang “My Teacher” ay mula sa direksyon ni Paul Soriano at umiikot ito sa isang typical na classroom setup na kung saan ay may isang guro at mga pasaway na mga estudyante.

Tampok diyan sina Toni Gonzaga, Joey de Leon, Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Pauline Mendoza, Kych Minemoto, Isaiah dela Cruz, Hannah Arguelles, Kakai Bautista, Carmi Martin, at Ruffa Guttierez.

Relate much ang pelikula dahil habang pinapanood namin ito ay tila nagfa-flashback sa aming manonood ang mga panahon na kami ay high school students pa lamang.

Magaling ang naging portrayal ni Toni bilang high school teacher na si Emma Bonifacio, dahil naipakita niya sa kanyang karakter ang mga sakripisyo ng isang guro para matulungang magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanyang mga estudyante.

Pumukaw rin sa amin ang karakter ni Joey na kung saan ay gumanap siya bilang isang 70-year-old na estudyante ni teacher Emma.

Dahil sa kanya ay muli kaming namulat na learning doesn’t stop talaga habang ikaw ay nabubuhay.

Sa totoo lang ay maraming aral talaga ang mapupulot sa pelikula, bukod pa sa mga nabanggit namin eh mayroon din tungkol sa gender equality, pagpapatawad at pagiging totoo.

Ang “My Teacher” ay nabigyan ng “Gender Sensitivity” award sa katatapos lang na awards night ng MMFF.

Related chika:

Lovelife hugot ni Andrea: Feeling ko ‘yun talaga ang pagkakamali nating girls, kasi all-out tayo

Read more...