Hula kay Pangulong Bongbong para sa 2023: ‘Bago siya bumaba sa puwesto ay magiging maayos ang Pilipinas’

Hula kay Pangulong Bongbong: 'Bago siya bumaba sa puwesto ay magiging maayos ang Pilipinas'

Pangulong Bongbong Marcos

PATI ang pinakamataas na pinuno ng bansa na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ipinanganak noong September 13, 1957 ang pinahulaan din ng online host na si Romel Chika sa Tarot card reader na si Mamu Gloria Escoto.

“Para kay Presidente masasabi ko na isa pa rin siyang matapang na haharapin ang problema ng Pilipinas and may unti-unti siyang mareresolba dito,” simulang rebelasyon ni Mamu.

“Pagkatapos marami pang pagdaraanan ang 2023 natin and pag-upo niya sa mga susunod na taon at bago siya umalis o bumaba (sa puwesto) ay magiging maayos ang Pilipinas,” pahayag pa ni Mamu base sa nababasa niyang baraha ni PBBM.

Dagdag pa, “Pagdating sa ekonomiya ay inilalaban niya ito kahit pagod na siya pero ang gusto niya kasi ay maging maayos ang lahat kaya lang dadanas siya ng kalungkutan na puwedeng pagpanaw ng kanyang butihing ina.  Dadamdamin niya pero masasabi kong walang pagsisihan.

Matapos magbukas ng iba pang baraha, “Magiging maayos ang Pilipinas sa future, magiging maayos din naman siya siguro mag-iingat na lang siya (PBBM) pagdating sa kalusugan niya tapos mag-ingat din siya sa mga taong nasa paligid niya kasi hindi naman lahat ‘yun ay loyal sa kanya.

“More on pera siya kasi sa ikagiginhawa ng sambayanang Pilipino though behind do’n medyo hirap siya lagi pero kinakaya niya pero mababago niya ang ekonomiya ng Pilipinas,” sabi ng manghuhula.

“Napakaganda para sa ating lahat (sabay palakpak),” saad ni Romel.


Samantala, sa huling bahagi ng panayam ni Romel Chika kay Mamu ay may pinag-usapan silang personalidad na hindi binanggit ang pangalan.

Sabi ni Mamu, “Sa mga hindi nakakaalam alam n’yo na gumagawa ako ng orasyon sa iba’t ibang klase ng problema ng isang tao.”

Dagdag sabi ni Romel, “At nagso-solve rin siya ng problema ng ibang tao at kakaiba po ito dahil mayroon po siyang ginawa (o) ginagawa.”

Sabi naman ni Mamu, “May ginagawa akong orasyon o dasal depende ‘yun kung ano ang ilalapit ng tao.  Nu’ng mga nakaraan ay naging kontrobersyal din ang taong ito, super!

“May taong lumapit sa akin para padasalan siya o pa-orasyunan para siya ay makaalpas sa isang malaking problema na kinasasangkutan niya,” kuwento ni Mamu.

“Sino ang artistang ito na ginawan ng orasyon ni Mamu at inilagay niya sa isang bote at hindi ninyo malalaman dahil sikreto nga. At lahat po ng narinig ninyo ay pawang gabay lang,” pagtatapos ni Romel Chika.

Sa BANDERA readers, sino ang hula ninyong ginawan ng orasyon para makaalpas sa kinasangkutang problema?

Hula ng Tarot card reader kay Kris Aquino shocking; hindi pa makakauwi ng Pinas sa 2023

Heart Evangelista mas magiging matunog ang pangalan sa 2023, magkakaroon daw ng ‘manliligaw’?

Alden Richards pwede raw mag-flop sa 2023, Vice Ganda may posibilidad ring mag-lie low next year?

Read more...