BUHAY na buhay nanaman ang mga Marites sa social media at kasalukuyan nilang pinag-uusapan ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia at socmed influencer na si Bella Racelis.
Kung titingnan kasi ang kanilang Instagram accounts ay magkasunod silang nag-post na nasa Tokyo.
Kahit hindi nila ibinandera ang picture nila together ay maraming netizens ang nagsasabi na halatang magkasama sina Joshua at Bella.
Unang nag-post si Bella ng kanyang solo pictures habang nag-iikot sa Japan.
Nilagay niya sa kanyang location ang Shibuya, Tokyo at may caption pa itong, “Good afternoon.”
Mababasa pa sa comment section ng kanyang IG post ang hirit ng sandamakmak na netizens na “photographer reveal.”
Ilang oras ang nakalipas ay nag-post na rin si Joshua at makikita sa caption ang mga katagang, “a day in tokyo (Japan flag emoji).”
Puro solo pics lang din ang ibinandera ng aktor kaya naman ang netizens ay tinadtad din ang comment section at nagre-request din ng “photographer reveal.”
Ilang buwan nang nali-link si Bella kay Joshua at hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na sagot tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
Unang umugong ang balitang may “something” sa pagitan nilang dalawa matapos silang maispatan na magkasama sa isang party sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Mas lalong tumindi ang hinala ng mga netizens matapos i-flex ng aktor ang dalaga sa kanyang isa pang Instagram account.
Ilang beses na ring spotted ang dalawa na magkasama at isa na diyan ay ‘yung nag-trending na picture ng dalawa na magka-holding hands pa habang namamasyal sa isang mall.
Related chika:
Da who nga ba si Bella Racelis…ang babaeng pinagpala dahil dyowa na raw ni Joshua Garcia?