INANUNSYO ng lokal na pamahalaan ng Maynila na isasara nila ang bahagi ng kalsada ng Roxas Boulevard na dumadaan sa Rizal Park sa December 30.
Ayon sa Facebook post Manila Public Information Office (MPIO), ito ay upang magbigay-daan sa isasagawang programa upang igunita ang death anniversary ng pambansang bayani na si Jose Rizal.
Para sa kaalaman ng marami, ang December 30 ay idineklarang regular holiday o walang pasok dahil sa RIzal Day.
Abiso sa social media, “PUBLIC ADVISORY: In commemoration of the 126th Rizal Day, the public is advised of a road closure on Friday, December 30, 2022.
“A portion of Roxas Boulevard northbound from Katigbak Parkway to South Road will be closed to the public from 4 AM onwards.”
Dahil diyan, pinayuhan na ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta.
“Everyone is advised to find alternate routes to your destination,” ani sa caption.
Ang mga motorista na magmumula sa katimugang bahagi ng Roxas Boulevard ay pwedeng dumaan sa inner service road at kumanan sa alinmang kalsada na papunta sa Mabini Street, gaya ng Sta. Monica Street at United Nations Avenue.
Kung manggagaling naman sa Mabini, pwede kumanan sa T.M. Kalaw Avenue, at kumaliwa papuntang Maria Orosa Street.
Upang muling ma-access ang Roxas Boulevard, aaaring kumaliwa mula Maria Orosa hanggang Padre Burgos Avenue o pumasok sa Intramuros sa pamamagitan ng General Luna Street, at pagkatapos ay kumaliwa sa A. Soriano Avenue patungo sa Anda Circle Park.
Read more:
Aljur ‘chill-chill’ lang matapos ang paghihiwalay nila ni Kylie