Alex may ‘bantay’ daw na multo kaya hindi pa rin magkaanak; Toni pak na pak ang swerte sa 2023

Alex may bantay daw na multo kaya hindi pa rin magkaanak; Toni pak na pak ang swerte sa 2023

Alex Gonzaga at Toni Gonzaga

PAGPAPATULOY pa rin ito ng ginawang pagpapahula ng online host at stand-up comedian na si Romel Chika sa tinaguriang Prophetic Witch na si Mamu Gloria Escoto.

Tulad ng naiulat namin dito sa BANDERA dumayo pa ang host ng “Cristy Ferminute” at “Showbiz Now Na” sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakailan para pahulaan ang magiging kapalaran ng ilang celebrities sa darating na 2023.

Unang hinulaan niya ay ang magiging kapalaran nina Alden Richards, Coco Martin, Angel Locsin, Sharon Cuneta, Heart Evangelista at Kris Aquino.

At ngayon nga ay ibabahagi namin ang hula ni Mamu Gloria Escoto sa magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. Si Toni ay ipinanganak noong Enero 20, 1984.

Simulang pahayag ng Tarot card reader, “Magiging successful ‘to si Toni (habang inilalatag isa-isa ang tarot cards).

“Sa 2023 ay possible na lahat ng gusto niya, lahat ng pasukin niya, mapa-business, career, pagbili ng kung anu-ano bahay o anuman, mangyayari!” ang nabasa ni Mamu sa baraha ng wifey ni Direk Paul Soriano.


Nakangiting sabi ni Romel, “Ang bongga naman ni Toni G!”

Sabay sabi ni Mamu, “Posibleng mabuntis din siya next year.”

“Ay! Wow, nasa kanya na ang lahat, Toni G, ikaw na talaga,” napangiting sabi ni Romel.

Sabay hirit ni Mamu, “E, kaya lang, lalaki ulit.”

Sa madaling salita, posibleng totoong mabubuntis nga si Toni dahil naalala namin ang tanong namin sa kanya sa ginanap na grand mediacon para sa upcoming concert niyang “I Am…Toni” 20th anniversary concert” na gaganapin sa Araneta Coliseum sa mismong kaarawan niya, Enero 20, ay sinabi niyang gusto sana niyang mabuntis sa 2023.

“2023 para sa kanya (Toni G), walang negative sa card niya,” diin ni Mamu.

“Sa dinami-daming artistang binanggit natin, siya (Toni) lang ang positibo. Bonggang-bonga si Toni Gonzaga, palong-palo,” nakangiting sambit ni Romel.

Siyempre kung may Toni G ay hindi naman nakaligtaang hindi itanong kay Mamu si Alex Gonzaga na ang petsa ng kapanganakan ay noong Enero 16, 1988.

Say ni Mamu, “Palaban pa rin siya (natawa si Mamu), though marami talagang namba-bash sa kanya!  At dahil diyan, posibleng puwede niyang maging kaaway ‘yung (taong) malapit sa kanya.

“Kaya lang ikabababa ito ng ratings niya o kaya ‘yung vlog niya ay pababa ito kung matutuloy ito (away). Nakikita ko rin na puwede siyang mag-abroad next year para makapagpahinga,” aniya.

Sa tanong kung mabubuntis na si Alex sa 2023, “Hindi pa! Mayroon kasi siyang bantay, eh.”

Nagulat si Romel at sabi niya, “Bantay? Anong klaseng bantay?”

Sabi ni Mamu, “Dito kasi (sabay tingin sa baraha) may matandang lalaki. Posible na multo! Kaya puwedeng siya ang reason.

“Kasi kasama niya ito lagi kahit saan siya magpunta (sabay turo sa mga baraha). Ayaw niya na maging masaya ‘yung tao. Kahit nakikita nating masaya siya (Alex) nakikita mo sa mata niyang may kulang (sabay pakita ng larawan ng kapatid ni Toni).”

At saka nabanggit na kaya raw nakunan dati si Alex sa panganay nila ng asawang si Konsehal Mikee Morada ng Lipa City ay dahil din dito.

Hula ng Tarot card reader kay Kris Aquino shocking; hindi pa makakauwi ng Pinas sa 2023

Alden Richards pwede raw mag-flop sa 2023, Vice Ganda may posibilidad ring mag-lie low next year?

Coco Martin mas dadami raw ang pera sa 2023, Angel Locsin may pinagdaraanan nga ba?

Read more...