Sa wakas, BB Gandanghari, Robin Padilla muling nagkasama, super bonding habang nagbu-boodle fight

Sa wakas, BB Gandanghari, Robin Padilla muling nagkasama, super bonding habang nagbu-boodle fight

BB Gandanghari at Robin Padilla

SUPER happy si BB Gandanghari nang sa wakas ay natupad na ang matagal na niyang pangarap na makapag-bonding sila ng kanyang kapatid na senador na si Robin Padilla.

Makalipas ang ilang taong pamamalagi sa Amerika ay naisipan nga ni BB na umuwi sa Pilipinas para makasama ngayong holiday season ang kanyang pamilya at ilang mga kaibigan.

Nauna nang nakasama ng vlogger ang kanyang inang si Mommy Eva Cariño at ilang kapamilya nitong nagdaang Pasko at talaga namang feeling blessed and thankful ang dating aktor (noong si Rustom Padilla pa siya) na nakapiling niya uli ang mga mahal sa buhay.

Sa kanyang Instagram account, muling nag-post si BB Gandanghari ng isang maikling video kung saan mapapanood ang pagba-bonding nila ni Sen. Robin kasama ang kanilang pinakamamahal na ina.

Aniya sa caption, “#AlliWant: oh yeah… this is all I prayed for this homecoming. Precious time with family that no money or the biggest or most expensive gift can replace.

“Last night was the happiest time I can remember in a long while. we missed our other siblings but we surely enjoyed our night with you in our hearts,” pahayag pa ni BB.

“I don’t think I can describe or even capture on cam how enjoyable the night was, @robinhoodpadilla, @roda_ariki Richie and I laughed and sang for #mama like we were kids again.


“I’ll post more so you’ll have a glimpse of our child-likeness once again. Stay tuned. #BBGandanghari #HappyHeart #HomeComing #HappyHolidays #BoodleFight #FamilyTime,” aniya pa.

Makikita sina Sen. Robin at BB na nagbu-boodle fight at lumalafang ng sandamakmak na seafood. Iniisa-isa pa nga ni BB ang mga pagkaing nakahain sa kanila at inilalarawan ang mga ito sa mga netizens.

Samantala, nagbahagi rin si BB ng litrato ng isa niyang kaibigan na may caption na, “#soulSisters: homecoming is all about seeing old friends too, and I’m just so happy to see this girl.

“I miss you… really nice hanging out with you.. again and how enjoyable is this new place?

“Perfect neighborhood cafe here in makati, Tuscany by Ayala ave across 6750. Very cozy I must say and delicious take out food. It’s newly opened… you guys must try it. Loving the ambiance here… a lot,” mensahe pa niya.

Sa ngayon ay wala pang sinasabi si BB kung magtatagal siya sa Pilipinas at kung tatanggap ba siya ng mga acting projects habang nasa bansa.

Nitong nagdaang Martes, si BB ang isa sa mga naging host ng Metro Manila Film Festival 2022 Gabi ng Parangal kasama sina Cindy Miranda at Giselle Sanchez.

BB Gandanghari ibinandera ang kaseksihan: ‘Kabogera! Flawless pati singit talo pa tunay na babae!’

Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako

BB Gandanghari, Ogie Diaz nagkabati na nang magkita sa US: Nagyakapan kami, wala nang sorry-sorry

Read more...