True ba ang kumakalat na chika, Jake Zyrus minolestiya raw?

True ba ang kumakalat na chika, Jake Zyrus minolestiya raw?

Jake Zyrus

HABANG nasa Amerika ang singer-songwriter na si Jake Zyrus ay kung anu-anong malilisyoso at kanegahang chika ang naglalabasan tungkol sa kanya.

Hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa California, USA ang award-winning performer at balitang doon siya rumaraket sa pamamagitan ng mga live concerts.

Pero totoo nga kaya na ang huling show daw na ginawa ni Jake sa San Diego, California ay nag-flop dahil halos wala raw nanood dito.

Isa ito sa mga chika na tinalakay nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa kanilang YouTube vlog kamakailan, ang “Showbiz Now Na.”

Ayon sa nakalap nilang balita, super flopsina umano ang naturang concert ni Jake. At gaano katotoo na dalawang tao lang daw ang nagbayad ng ticket?


Bukod dito, napag-usapan din nina Nanay Cristy ang naging pahayag umano ng premyadong singer na naka-experience daw siya ng “pangmomolestiya” habang naroon sa US.

“Ang dami niyang isyung pinalalabas ngayon mga Ka-Chika,” rebelayson ni Nanay Cristy.

“Siya raw po ay minolestiya… sino naman kaya ang momolestiya sa kaniya? Hinalay, sa madaling salita,” patuloy niya.

“Ano ba namang pasabog na ‘yan, dapat sa December 31 pa ‘yan,” ang hirit na tanong naman ni Romel Chika.

Usisa naman ni Wendell, babae raw ba o lalaki ang gumawa nito kay Jake na sinagot ni Nanay Cristy na  hindi pa raw malinaw ang mga detalye tungkol dito.

Habang sinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang reaksiyon hinggil sa isyung ito ang kampo ni Jake Zyrus.

Bukas ang BANDERA sa magiging official statement ni Jake o ng sinuman sa kanyang management para linawin ang mga kotrobersyang kinasasangkutan niya.

Cristy Fermin inatake ng matinding kalungkutan nang makita ang hubad na katawan ni Jake Zyrus

Liza Dino sa viral ‘dibdib’ photo ni Jake Zyrus: Kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, suportahan natin siya

Gretchen wala nang paki sa bashers: I’m 51…that doesn’t bother me anymore!

Read more...